Panunuri sa akdang "Impeng Negro" Ni Rogelio Sicat
Impeng Negro
reference:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeyG9tExt21AVZb3oNaQUtuGOIOa3vN-CVsUvTuitvsixMS-3AfTBN0l2oZhMGjX5DqHvIR3zti3eRIZDs6WM5CrrtMAyRuUYO55gKAgAb_gRMre7Y7HUD-04o5utBOGNqzBDq9I1IQuw/s1600/1cdd7a58-c2a2-4abe-8535-20f4a48d08fc.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeyG9tExt21AVZb3oNaQUtuGOIOa3vN-CVsUvTuitvsixMS-3AfTBN0l2oZhMGjX5DqHvIR3zti3eRIZDs6WM5CrrtMAyRuUYO55gKAgAb_gRMre7Y7HUD-04o5utBOGNqzBDq9I1IQuw/s1600/1cdd7a58-c2a2-4abe-8535-20f4a48d08fc.jpg
Ni Rogelio Sicat
reference:
http://panitikan.com.ph/sites/default/files/styles/880px-wide/public/field/image/rogelio-sicat-5.jpg?itok=iAqxpb38
A. Tagpuan
Pook:
Di man gaanong
nailahad ang tagpuan sa kwento malalaman
naman na ang mga pangunahing
kaganapan sa kwento na inilarawan sa tagpuan. Ang mga pangyayari ay nagaganap
dito araw-araw at may mga kaganapan gaya ng pang-mamaliit kay Impeng sa gripo.
Inilrawan din
ang mga uri ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagbanggit ng isa pang
tagpuan. Ang bahay nila Impeng na kung inilarawan ng may akda ay sinabing
barong barong lamang.
Naganap din
dito ang pang aalipusta at matinding sagupaan ng dalawang tauhan sa kwento.
Inilarawan din ang kalagayang pamilya ni Impeng na kung susuriin ay hindi sila
gaanong biniyayaan ng magandang buhay datapwat kailangan nilang magsumikap. Ang
pamilya ay masasabing di gaya ng isang normal na pamilya dahil hindi ito buo, walang bumubuong isang puno. Isang pamilya na kung saan iba’t iba ang nagbigay
buhay sa bawat bunga.
B. Tauhan
Character Profile
Pangalan: Impeng
Tirahan: Sa kanilang pook
Gulang: Labing anim na taong gulang
Gawain: Agwador
Katangian: mabait at responsableng na anak, kinukutya
ngunit laging nagtitimpi.
Anyo: maitim na binatilyo
Pangarap: masaya at tahimik na buhay
Tawag/bigay na ngalan: Impeng Negro o Negro
Masasabing tauhang bilog sa Impeng dahil sa mga pangyayaring nagbago sa kwento. Mula
sa pagiging apihing binatilyo siya ay napuno at pinatunayang hindi siya dapat
minamaliit dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay mula sa pamilyang di mo malalaman
kung ano ang puno kayat kung ano ano ang bunga. Isang pamilyang inaapi ngunit
di nila alam ang tunay na kwento kaya't ganun na lamang kung humusga ang mga tao
sa paligid niya na kung tutuusin ay nangyayari din ngayon sa ating lipunang
ginagalawan. Inaapi at kinukitya dahil sa panlabas na anyo niya.
Ngunit dahil sa
pagkimkim ng nararamdaman bumulusok ito at di niya napigilan. Lumaban siya kay
Ogor na mapang api at mapangutya at pinatunayan niya na di siya dapat kinukutya
dahil kahit ganun ang hitsura at kwento ng pamilya niya ay may dignidad din
siya.
Ang may akda ay
napakahusay dahil pinalabas niya ang tunay na mga kaganapan sa lipunan ang
pangungutya at panghuhusga sa kapwa na di man lang alam ang tunay nilang
kwento.
Ogor
Isang mapang-api
at mapangutyang tauhan sa kwento na siyang nagbigay ng dahilan upang gawin o
palabasin ang napunong balde ng galit na ibinuhos ni Impeng sa kanya sa
pamamagitan ng pakikipagsagupaan. Sa pamamagitan din niya naipakita ni
Sicat ang mga nasa taas ng ating lipunan. Ang mga matataas at makapangyarihan na humuhusga at laging nakagagawa ng gusto nilang naisin upang mapasunod ang mga mas mababa sa kanila dahil sa ganun ang kanilang kondisyon ay nagagawa nila itong maliitin at tapakan sa leeg.
Ina ni Impeng
Kung ating
susuriing mabuti, siya ay inang iba't iba ang pinagmulan ng lahi ng kanyang mga anak o sa madaling salita ay may iba't ibang asawa. Ang panghuhusga ng mga tao
sa kanya ay isang babaeng walang dignidad ngunit kung susuriing mabuti may iba
pang nais iparating ang tauhang ito sa mga mambabasa na maaring malaman kung
gagalugaring mabuti ang akda.
Mga tao sa paligid
Mga taong
nakikisimpatya sa kung ano ang mangyayari. Sa palagay ko ay isinama ni Sicat
ang mga tauhang ito upang imulat ang mga taong nananahimik at ayaw maglabas ng
kanilang saloobin o damdamin tungkol sa katotohanang nangyayari sa kanilang
kapaligiran.
C. Banghay
1. Panimula
Nagsimula ang
kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si Impeng
ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta
sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na
inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng, siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't
ibang asawa. Ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay
malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.
2. Saglit na kasiglahan
Sa
pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng
pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng
may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at
kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
Sa pang aapi ni
Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang ipaghiganti ang
pamilya dahil sa mga pang-aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos niya
ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan niya sa
kasagupaang si Ogor.
3. Suliraning inihahanap ng lunas
Paano kaya
maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pangaapi sa kanya ng mga tao? Paano niya
mapipigilang isipin ng mga tao sa kanyang kapaligirang ang panghuhusga sa
kanyang ina at mismong pamilya?
Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay
Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya
dapat tinatapak-tapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng
ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalait-lait at kinukutya ang
mga katulad niya.
4. Kasukdulan
Sa pamamagitan
ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi niya
mapaniwala ang lahat sa nangyari kayat ganun na lamang ang katahimikang
naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyang mga mata na
tinutuyo ng pagtitig ng mga matang nasa kapaligiran niya. Nadama niya ang
bagong mayroon sa sarili. Ang tuklas na iyon ay ang pagiging matibay at matatag
niya. Natamo niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa
pinagwagihang larangan.
D. Karagdagan
I. Tema o paksang diwa
Tinalakay sa
kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at
kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at
dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan
nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang
alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.
II. Simbolismo
Sa pangalan ng Tauhan
Impeng- marahil ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng
ikapit sa malapit na tawag na “aping” o naaapi.
Negro- maaaring dahil sa pag-uuri ng mga tao sa pamamagitan
ng kulay at katayuan pwedeng husgahan ng mga tao ang isang bagay. Gaya na
lamang sa paghuhusga sa ina ni Impeng.
Sa mga bagay sa kwento
Balde- nangangahulagang damdamin na pag minsan napupuno ay
kaylangang maisalin o bawasan gaya ni Impeng siya ay isang balde na napuno kay
Ogor kaya't siya ay nakipagsagupa dito.
Gripo -galit na
pumupuno sa damdamin ni Impeng dahil sa palaging pagmamalabis ni Ogor at sa
pamamagitan ng
pang-aapi at pangungutya ay di
niya kinaya.
-maaari ring si Ogor na pumuno ng
galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay nito.
III. Lenggwahe
Payak ang
pagamit sa mga lenggwahe na minsan ay may mga nakatagong kahulugan sa mga ilang
pangugusap.
Naroon din ang mga salitang nagpakita at nakapaglahad ng
matinding mga pangyayari sa kwento gaya ng sagupaan nila ni Ogor. Gumamit ng mga
pormal na pananalita ang may akda. At minsan ay mga malalalim na salita.
Gaya ng halimbawang ito:
"Dagok, bayo, bayo, bayo. Kahit saan. Sa mukha, sa
dibdib, dagok, dagok, dagok..."
Sa mga pahayag ay malalaman ang pagsuntok at pagadagok ng
tauhan sa pangyayari sa kanilang sagupaan.
E. Kongklusyon
Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't ibang bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino. Napaikot niya ang mga tauhan nang may masining na pagpapaunawa sa mambabasa. Ang pagiging mahusay na manunulat ni Sicat ay maituturing na kaiba sa mga manunulat dahil hindi lang nito naapektuhan ang isang tao kundi maging ang kabuuan ng lipunan, sa damdamin at isipan.
why rogelio sikat Wrote this story? for what
ReplyDeletesecret
Deletewow
DeleteTo make people knew that all people is not like they have a wonderful life and to stop bullying other just because she's black
DeleteAno yung panahon dito sa kwento nito?
ReplyDeleteVery good and very interested and would like to get a quote for the same price but I love you and I miss you
ReplyDeleteThank you nakatulong kayo sa aking pagsusuri maraming salamat ho talaga ko😊💖
ReplyDeleteNapakaganda ng ginawa nyo sobrang linaw ng mga detalye na binigay nyo 😊💖
ReplyDeleteSino po ang nagsasalita sa Akda po?
ReplyDeleteAno po ba ang mga Uri ng Tunggalian nito
ReplyDeleteThank you so much
ReplyDeleteAno po ang kahalagahan ng akdang ito
ReplyDelete