Makata ka ba?

Maligayang Pagdating Makatang Filipino! Mayroon ka bang mga katha, likha, o akda na nasulat sa Wikang Filipino? Gusto mo bang mailakip ito sa ating blog? Maaari mo itong ipadala sa blogger sa pamamagitan ng e-mail o kontakin lang ang blogger.
Sama-sama nating palaguin at payabungin ang Wikang Filipino!

Monday, May 26, 2014

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pagsasalaysay

Yung…” 
          Sa ating buhay marami tayong makikilala, mga taong  makikita at makikilala pa sa ating araw araw na pamumuhay. May mga taong matagal na nating nakilala, may mga tao ring ngayon pa lamang makikilala. Yung mga magiging kaibigan at magiging kaaway. Ngunit sa mga nakikilala natin hindi natin namamalayan  na magiging parte ng ating buhay yung taong nakilala na minsan pa'y umabot na sa puntong kayo’y maging kapit tuko dahil hindi mapaghiwalay ng kahit na sino dahil minsan maaari nating ihalintulad ang pagkilala sa isang hindi natin kilala sa pagsakay sa isang pampasaherong bus, hindi natin alam kung bakit dun tayo umupo sa upuan na iyon at hindi rin natin iyon binalak. Gaya ng pagkilala hindi natin sinadyang kilalanin ang isang tao dahil kusang dumating ang panahon na kayo’y nagkakilala, hanggang sa ang pagkikilalang iyon ay humantong sa puntong mas mahalaga pa siya  kaysa sa iyong sarili. Yung papahalagahan ka niya dahil alam niyang ika’y isang biyayang galing sa maykapal ngunit, hanggang sa mangyaring siya na lahat yung nasa bukambibig mo, yung mas uunahin niyang hanapin ka kesa sa mas pinaka-importanteng bagay, yung uunahin pang makasama ka kaysa sa kaibigan, pamilya at kung sinuman dahil mas gusto niya na makasama kaysa kahit sino man, yung gusto ka niyang makausap sa lahat ng oras dahil para sakanya mas gusto niya na mas ligtas ka, yung tatanungin ka niya kung kumain ka na at kapag sinabi mong hindi ay papagalitan ka niya, yung pagbabawalan ka niya sa mga mali mong gawain pero ginagawa mo parin, yung babatiin ka ng napaka aga sa araw ng iyong kapanganakan, yung makakasabay mo sa pagkain ng pagkaing paulit-ulit niyong kinakain at hindi parin kayo nagsasawang kainin ito, yung makakasabay mo sa tuwing may pupuntahan ka hanggang makasabay mo parin hanggang sa pag-uwi niyo na, yung magbibigay sayo ng gusto mong bagay, pagkain at kahit na anupaman, yung bibilhan ka ng gusto mo kahit wala na siyang pera, yung gagawin niya ang mga gawain mo dahil intindi niya ang kalagayan mo o ang iyong katamaran ngunit ang taong iyon ay hindi mo nabigyan ng halaga, hindi mo pinansin ang mga ginagawa niya para sayo, hanggang sa magsawa na siya, maiisip niyang masyado siyang nagpakadesperado dahil sayo, na halos ginawa na niya lahat ng kabaduyan sa mundo kayat maiisip niyang siya muna'y magpakalayo-layo hanggang sa darating yung araw na hahanapin mo lahat... lahat ng ginagawa niya ay biglang mawawala at sasabihing mong siya’y nagbago na sanay ginawa mo din ang mga bagay na ginagawa niya at magsisisi ka dahil huli na ang lahat. Mga luha mo ay di mapipigilang pumatak at magiisip ka ng kung ano-ano at masasabi mo nalng na “sana hindi ko nalang iyon ginawa” at dahil nga roon ay mawawala lang na parang bula dahil na rin sa iyong kapabayaan. 
-wgs

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pangangatwiran- “CYBER CRIME LAW: nararapat lang na isabatas”

“CYBER CRIME LAW:
nararapat lang na isabatas

Isa nanaman sa isyu ng ating bansang Pilipinas ay ang pagsasabatas ng Cyber Crime Law. Ito’y isang batas na kung saan lilimitahan ang mga nagaganap sa mga Social media o mga Social Networking Sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Hangad ng panukalang ito na mabigyan ng siguridad ang mga gumagamit ng mga nasabing naunang pahayag ngunit ang pagpapatupad ng ganitong programa o batas ay makakabuti ba o makakasama para sa ating mga Filipino?
Sa pagpapatupad ng batas na ito ano nga ba ang masama at magandang dulot nito para sa atin? Unahin na natin ang mga masasamang dulot nito. Una kaya maraming tumututol sa batas na ito ay sa kadahilanang mawawalan tayo o malilimitahan ang kalayaan natin sa pagpapahayag ng ating mga saloobin sa pamamagitan ng mga Social Media. Ang mga lalabag sa batas na ito ay maaaring makulong. Isa pa ay mahihirapan ang mga mag-aaral na mag-aral dahil sa limitasyon sa internet hindi nila malalaman ang mga kasagutan sa kanilang proyekto o mga gawain na kinakailangang saliksikin ng mabuti ngunit dumako naman tayo sa magagandang dulot ng batas na ito unahin na natin ang proteksyon natin sa pamamagitan ng batas na ito tayo’y mabibigyan ng seguridad sa paggamit ng internet. Ang mga magulang ay hindi mag-aalala sa kanilang mga anak na gumamit ng internet dahil sa batas ding nasabi mas mapapanatag ang mga kalooban nila. Isa pa ay ang siguridad para sa Cyber Bullying marami na tayong naririnig na mga balita patungkol sa mga Cyber Bullying na kung saan inaapi o pinagsasabihan ng mga masasamang bagay ang tao o kanyang mga larawan na nasa isang Social Networking Site. Isa din ay ang kagustuhan ng pamahalaan na mabigyan siguridad ang mga sites na kanilang ginagamit. Dahil sa pag usbong ng mga teknolohiya nariyan na rin ang mga Pakialamero o yung mga gustong mag-Hack ng account kung maipapatupad man ito hindi na mahahack ng mga hacker ang account ng isang tao o maging ng Gobyerno.
Kaya para sa akin wag nating isipin ang para lamang sa ating sarili, isipin din natin dapat ang kapakanan ng iba. Maaaring mababawasan ang ating kalayaan ngunit marami pang mga bagay at paraan kung paano natin maipahayag ang ating saloobin kaya nararapat lang na ipatupad ang batas na ito dahil tayo din mismo ang makikinabang sa mga magagandang dulot nito.

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Paglalahad- “Kabataan sa makabagong henerasyon”

Kabataan sa makabagong henerasyon

Kabataan!Kabataan!Kabataan! kayo ang pag-asa ng bayan ayon kay Dr.Jose Rizal……ito ang katagang iniwan niya bago siya pumanaw.
Larawan mong unang panahon ang mga dalagang Pilipino bilang mga mahinhing kumilos,delekadesa konserbatibong manumit,ilan lamang ito sa pagiging tunay at tatak pilipina.
Ngunit bakit ngayo’y nawala na!! Nasaan na ang pagkakakilanlan sa atin tila nagbago na rin kasabay nang pagbabago ng ihip ng panahon nakisabay na din sa uso.Tayo’y namumuhay na sa makabagong mundo pati ang mga taong naninirahan ay nakisabay din sa pagbabago.Ngunit lahat may limitasyon ang sobra-sobra ay masama,Ang buhay noon na simple at payapa lamang na siyang kinasanayan ng mga tao upang makapamuhay.Kung minsan isang kahig isang tuka kung ituring,kung anong meron kaya pang pagtiisan ,Parang ngayon nagbago man an gating mundo kasabay ang pagbabago din ng imahe ng mga tao ngunit an gating kalakarang pamumuhay ay wala din nagbago makikita pa rin ang napakaraming mga mahihirap na Pilipino  na umaasa lamang sa kung ano ang mayroon sa kanila at kung ano ang kaya nilang magawa upang mamuhay.Napakarami nang mga pangulo ang dumaan at namuno sa ating bansa iisa lamang ang layunin kundi ang sugpuin ang mga criminal ,labanan ang kahirapan.Ngunit hindi para sugpuin at patigilin.Harapin natin ang katotohanang sa dami-dami ng mga mamayangg namumuhay sa mundo ay hindi natin sila kayang hawakan sa leeg,tanging kahirapan ng ating bansa lamang ang tanging dahilan kung bakit sila ganito.Hanggang ngayon si Pnoy ang iniluklok ng sambayanan nguunit parang wala din lang,Magulo pa rin an gating ekonomiya ,patuloy pa rin  ang paglobo ng mga pilipinong nagugutom isama na rito ang mga kabataang  maagang namumulat sa pagpapamilya dahil na rin sa produkto ng mga makabagong teknolohiya,ang pagiging marupok ng mga kabataan ang nagdadala sa kanila sa kapahamakan na nagreresulta sa maagang pagkakabuntis na noon ito’y talamak na nangyayari hanggang sa ngayon kaya maaring nagugutom na mamamayan.Kung sa dinami-dami ng problemang kinakaharap n gating mga namumuno ay hindi nila alam kung anu ang uunahin.
Tayo ngayon ay namumuhay sa  mundong makabago ang sistema ng edukasyon ay makabago na din,kaya kailangan natin sumunod sa takbo ng panahon.Umunlad na din ang ating bansa dahil sa mga teknolohiyang meron tayo nakakasabay na rin tayo sa ibang bansa.Ngunit ang mga pagbabagong ito ay may dala ring hindi kanais-nais na kapag nasobrahan na din sa paggamit at ito ang nakakasama sa pamumuhay nila,maaring mabawasan lang kung hindi mapigilan sa pamamagitan ng wastong patnubay sa mga kabataan makakatulong sa kanila ang pagkakaroon ng makabuluhang usapan sa harapan ng hapag kainan ang simpleng pagtatanong at pangangamusta sa kanila araw-araw ay pagpapakita nan g pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanila.
Upang hindi malayo ang kanilang loob,mas maganda bilang isang magulang na malaman natin kung sino-sino ang mga kaibigan n gating mga anak upang malaman natin kung maganda ba o masama silang impluwensya para sa ating mga anak.Iparamdam natin sa kanila na kahit medyo kinukulang na tayo ng panahon para sa ating mga anak ay makagawa man lang tayo ng mga simpleng bagay na ikasisiyat ikaaalala nila hindi malayo ang loob nila sa atin.Maaring ito marahil ang dahilan  n gating mga anak kung bakit marami na sa kanila  ay napapariwara ang buhay na maling landas  ang natatahak.

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Paglalarawan- “Ano nga ba ang kaibigan?”

Ano nga ba ang kaibigan?”

Ano nga ba ang kaibigan? kaibigang laging nandiyan kapag may problema ka? O, kaibigang nandyan lang kapag kailangan ka? Mga kaibigang wagas kung makapag-trip,mga kaibigang magagawang makapagsinungaling makapag lakwatya lang, mga kaibigan hahamakin lahat yung tipong uutang sa kapwa kaibigan makasama lamang sa gimik ng tropa. Sino ba? O ano ba ang isang tunay na kaibigan? Sila ba yung kasama mo sa inuman? Sa Pag liban sa klase? Sa Pag-gagala?  Yung tipong tatakas ka sa bahay makahabol lang sa lakad ng barkada. Ang tunay na kaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay.
Ang kaibigan kung saan-saan lang napupulot iyan, sa tabi-tabi, sa daan, sa klase para makakopya kailangan may sandigan kang kaibigan yung mga linyang “ui tol anu sagot mo sa number one?” Ang kaibigan ay kaibigan kailangan ng pasensya at tiwala, Pasensya para sa mga matitinding asaran ng barkada,tiwala para sa mga ilang plastic na nakapaligid sa tropa, Masasabi kong napakaswerte ko sa mga kaibigan ko na walang sawang mang-asar sa akin.
Sila rin yung mga kaibigang sa oras ng iyong pagdadalamhati ay nariyan sila upang handang umagapay. Yung tutulong para mapasagot ang mahal mo hanggang sa tutulong parin sayo sobrang dami ng inyong pinagdadaanan. Maaaring panahon ay magdaan tayong lahat ay tatanda makakahanap mng makakasama ngunit ang mga pangyayaring masaya at kalian may di malilimutan, maaari nating sariwain pagdating man ng araw kahit pa ang barkada’t mga kaibigan ay lumipas na ngunit hindi ang mga masasayang ala-ala.

Tulang Pasalaysay: Florante at Laura (Buod)

Florante at Laura
ni Francisco Baltasar

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante
Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
Konde Sileno - ama ni Adolfo
Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
Antenor - guro ni Florante sa Atenas
Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona
Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante.
Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na siAntenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan niFlorante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kayFlorante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mgaPersyano. Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano. Nailigtas niFlorante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” siFlorante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya.
Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog siKonde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

Mga Piling Linya sa Tula na Ginamitan ng Tayutay

1. Animang Pantig

•Kung ano ang buhay,
siyang kamatayan...
Ang hirap ko’y alam
ng iyong kariktan
tapatin mo lamang
yaring karaingan
At bigyan ng buhay,
ang pag-asang patay!
--Oksimoron
(www.tagaloglang.com)

•Siya ang berdugo
Na bahid ng dugo
Hawak ay gatilyo
Dugo’y kumukulo.
--Metapora
Berdugo ni Greg Bituin

•Palaman ko ay margarin
Kaya malinamnam ito
Para akong nasa bangin
Ng paglayang pangarap ko.
--Simile
Pandesal ni Greg Butuin

2. Waluhang Pantig

•Ang pag-ibig ko sa iyo
ay lansones na malasa
Ganyan din ang pagsinta mong
may lamukot na ligaya.
--Metapora
Parang Buto ng Lansones

•Ngunit ang suyuang iyan
kapag naging paglililo
Parang buto ng lansones
sa sinumpang paraiso!
--Simile
Parang Buto ng Lansones
•Bawat hukay, bawat libing
Ay isa lang pintong bukas
Na patungo sa lupaing
Maligaya't walang wakas.
--Sinekdoke
Bawat Hukay
(http://panitikan.hostingsiteforfree.com/criticism/mulasatradisyontungosakongregasyon.htm)

3. Labindalawahing Pantig

•May isang lupain sa dakong silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
kaya napatanyag ay sa kagandahan
at napabalita sa magandang asal.
--Hyperbole
(Panitikang Pambata)

•Habang nagduruyan ang buwang ninikat
sa lundo ng kanyang sinutlang liwanag,
isakay mo ako gabing mapamihag
sa mga pakpak mong humahalimuyak.
--Apostrope
(Panitikang Pambata)

•Ang puso'y lumukso sa pagkakakita
nitong bahagharing pagkaganda-ganda.
--Personipikasyon
(Panitikang Pambata)

4. Labing-animang Pantig

•Paalam na, Bayang giliw, lupang kasuyo ng araw,
Sa dagat Silanga’y Mutya, aming Langit na pumanaw,
Malugod kong sa‘yo’y hain ang amis ko’t lantang buhay,
At lalo mang maluningning, mabulaklak at malabay,
Ihahandog ko ring lubos, lumigaya ka man lamang.
--Personipikasyon
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal



•Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng buwang-sinag,
Bayaan mong ang liwayway ay dagliang magliwanag,
Bayaan mo ring humibik at umangil ang habagat;
At sa dipa kung dumapo’y isang libong mapanatag
Bayaan mong huni niyang pamayapa ang igawad
--Onomatpeya
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal

•Ngunit hindi hindi nagpagapi ang magigiting na bayani,
Bayaning gulok at panulat ang nagsilbing gamit,
Gamit na ating iningata't ipinagmalaki
Ipinagmalaki hanggang sa sila'y masawi!
--Onomatopeya
Bayang Pangako

5. Labin-waluhing Pantig

•di pantay ang hustisya kaya nga kaydami ng sumusulpot
na mga katanungang sadyang naghahanap ng mga sagot
di ang mayayaman lang ang dapat makadama ng hustisya
kundi dapat lahat, may hustisya dapat lalo na ang masa.
--Paralepsis
SA HUSTISYA'Y MAY TUNGGALIAN DIN NG URI
ni Gregorio V. Bituin Jr.

•Ngayon hawak natin ang sariling laya at sariling palad
tungkulin ng lahat ay magtulong-tulong sa isang hinagap
ipakita natin sa buong daigdig na tayo ay ganap
na lahin dakila-- may pagkakaisa at di tulak tulak.
--Pag-aagapay
Ang bayan ko'y ito ni Jose Villa Panganiban.

•Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.
--Simile/Apostrope
Kay Ama

Mga Iba't ibang Uri ng Talumpati/ Pananalumpati

Talumpating Pampalibang:

Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng
tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap. Nariyan din ang
mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing naaalala ko ang mga kasiyahang ito naaalala ko
ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing may kasiyahan ay pumaparoon ako
upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong kanilang iaabot sa akin
hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na sakin na
makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng matatamis na
ngiti sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang materyal na bagay
o regalo dahil para sakin silay isa nang regalo ni Bathala. Dahil ang tunay na regalo ng pasko ay
di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi para sa kapanganakan ng
nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.


Talumpating Panghikayat
Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan.
Aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! Iyon lamang at maraming
salamat.

Talumpating Nagbibigay Kabatiran:
Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang
Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.
Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. Isang
sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang
kahandaan ng Bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na
nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa
sinapit ng mga mahal sa buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan
ang isang sungit ng panahon.
Sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. Kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras
at bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na
muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging
manalangin sa poong lumikha.



Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay
ang kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang
pampasaherong sasakyan. Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y
walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng
pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag at magsikap upang sa pagdating ng
araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.




Talumpating Pagbibigay Galang:

May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng
mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na
kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang
mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa
lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa mga hirap at lungkot na kanilang
dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa pamamagitan ng pag-balik sa
lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha ng kanilang mga
kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at masisipag na
kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan. Maligayang
pagbabalik.

Talumpating pang-akit:
Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga dapat
isagawa, kaya kong gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi malabong
mababaon lamang sa wala ang inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas magiging
maunlad, mapayapa, at maganda ang ating lugar kaya't sana sa darating na halalan sana'y
ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito mapupunta o hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!


Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid kung sino
ang bayaning ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig ng mundo.
Ngunit sa pagiging tanyag niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng kanyang
buhay? Simulan natin ito nang siya ay musmus pa, noon pa man pansin na ang kayang
katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga musmus na katulad niya ay mahirap o
hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang manunulat, marami siyang
mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. Ilan sa mga kilalang akda
niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa ipinaglaban niya ang ating bansa
ng hindi gumagamit ng mga bagay nag maaaring kumitil ng buhay hindi marahil takot siya
kundi dahil alam niya na hindi sa pagpapadanak ng dugo ang tunay na pakikipaglaban para sa
kalayaan. Isa rin siyang modelo na dapat tularan ng ating mga kabataan lalo pa't siya na rin
ang nagwika na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kayat bilang pag-gunita tayo'y
magpasalamat sa kanyang nagawa dahil kundi sa katulad niyang bayani, hindi natin
mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!