Makata ka ba?

Maligayang Pagdating Makatang Filipino! Mayroon ka bang mga katha, likha, o akda na nasulat sa Wikang Filipino? Gusto mo bang mailakip ito sa ating blog? Maaari mo itong ipadala sa blogger sa pamamagitan ng e-mail o kontakin lang ang blogger.
Sama-sama nating palaguin at payabungin ang Wikang Filipino!

Monday, May 26, 2014

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pangangatwiran- “CYBER CRIME LAW: nararapat lang na isabatas”

“CYBER CRIME LAW:
nararapat lang na isabatas

Isa nanaman sa isyu ng ating bansang Pilipinas ay ang pagsasabatas ng Cyber Crime Law. Ito’y isang batas na kung saan lilimitahan ang mga nagaganap sa mga Social media o mga Social Networking Sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Hangad ng panukalang ito na mabigyan ng siguridad ang mga gumagamit ng mga nasabing naunang pahayag ngunit ang pagpapatupad ng ganitong programa o batas ay makakabuti ba o makakasama para sa ating mga Filipino?
Sa pagpapatupad ng batas na ito ano nga ba ang masama at magandang dulot nito para sa atin? Unahin na natin ang mga masasamang dulot nito. Una kaya maraming tumututol sa batas na ito ay sa kadahilanang mawawalan tayo o malilimitahan ang kalayaan natin sa pagpapahayag ng ating mga saloobin sa pamamagitan ng mga Social Media. Ang mga lalabag sa batas na ito ay maaaring makulong. Isa pa ay mahihirapan ang mga mag-aaral na mag-aral dahil sa limitasyon sa internet hindi nila malalaman ang mga kasagutan sa kanilang proyekto o mga gawain na kinakailangang saliksikin ng mabuti ngunit dumako naman tayo sa magagandang dulot ng batas na ito unahin na natin ang proteksyon natin sa pamamagitan ng batas na ito tayo’y mabibigyan ng seguridad sa paggamit ng internet. Ang mga magulang ay hindi mag-aalala sa kanilang mga anak na gumamit ng internet dahil sa batas ding nasabi mas mapapanatag ang mga kalooban nila. Isa pa ay ang siguridad para sa Cyber Bullying marami na tayong naririnig na mga balita patungkol sa mga Cyber Bullying na kung saan inaapi o pinagsasabihan ng mga masasamang bagay ang tao o kanyang mga larawan na nasa isang Social Networking Site. Isa din ay ang kagustuhan ng pamahalaan na mabigyan siguridad ang mga sites na kanilang ginagamit. Dahil sa pag usbong ng mga teknolohiya nariyan na rin ang mga Pakialamero o yung mga gustong mag-Hack ng account kung maipapatupad man ito hindi na mahahack ng mga hacker ang account ng isang tao o maging ng Gobyerno.
Kaya para sa akin wag nating isipin ang para lamang sa ating sarili, isipin din natin dapat ang kapakanan ng iba. Maaaring mababawasan ang ating kalayaan ngunit marami pang mga bagay at paraan kung paano natin maipahayag ang ating saloobin kaya nararapat lang na ipatupad ang batas na ito dahil tayo din mismo ang makikinabang sa mga magagandang dulot nito.

1 comment:

  1. Magandang programa to sa atin at para na din sa iba.proteksyon kung baga.Sakit.info

    ReplyDelete