Monday, May 26, 2014

Panunuri sa akdang "Impeng Negro"Ni Rogelio Sicat

Panunuri sa akdang "Impeng Negro" Ni Rogelio Sicat
Impeng Negro
reference:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeyG9tExt21AVZb3oNaQUtuGOIOa3vN-CVsUvTuitvsixMS-3AfTBN0l2oZhMGjX5DqHvIR3zti3eRIZDs6WM5CrrtMAyRuUYO55gKAgAb_gRMre7Y7HUD-04o5utBOGNqzBDq9I1IQuw/s1600/1cdd7a58-c2a2-4abe-8535-20f4a48d08fc.jpg

Ni Rogelio Sicat

reference:
http://panitikan.com.ph/sites/default/files/styles/880px-wide/public/field/image/rogelio-sicat-5.jpg?itok=iAqxpb38

A. Tagpuan
       Pook:
       Di man gaanong nailahad ang tagpuan sa kwento malalaman  naman  na ang mga pangunahing kaganapan sa kwento na inilarawan sa tagpuan. Ang mga pangyayari ay nagaganap dito araw-araw at may mga kaganapan gaya ng pang-mamaliit kay Impeng sa gripo.
       Inilrawan din ang mga uri ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagbanggit ng isa pang tagpuan. Ang bahay nila Impeng na kung inilarawan ng may akda ay sinabing barong barong lamang.
       Naganap din dito ang pang aalipusta at matinding sagupaan ng dalawang tauhan sa kwento. Inilarawan din ang kalagayang pamilya ni Impeng na kung susuriin ay hindi sila gaanong biniyayaan ng magandang buhay datapwat kailangan nilang magsumikap. Ang pamilya ay masasabing di gaya ng isang normal na pamilya dahil hindi ito buo, walang bumubuong isang puno. Isang pamilya na kung saan iba’t iba ang nagbigay buhay sa bawat bunga.

B. Tauhan

Character Profile

Pangalan: Impeng
Tirahan: Sa kanilang pook
Gulang: Labing anim na taong gulang
Gawain: Agwador
Katangian: mabait at responsableng na anak, kinukutya ngunit laging nagtitimpi.
Anyo: maitim na binatilyo
Pangarap: masaya at tahimik na buhay
Tawag/bigay na ngalan: Impeng Negro o Negro
                Masasabing tauhang bilog sa Impeng dahil sa mga pangyayaring nagbago sa kwento. Mula sa pagiging apihing binatilyo siya ay napuno at pinatunayang hindi siya dapat minamaliit dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay mula sa pamilyang di mo malalaman kung ano ang puno kayat kung ano ano ang bunga. Isang pamilyang inaapi ngunit di nila alam ang tunay na kwento kaya't ganun na lamang kung humusga ang mga tao sa paligid niya na kung tutuusin ay nangyayari din ngayon sa ating lipunang ginagalawan. Inaapi at kinukitya dahil sa panlabas na anyo niya.
       Ngunit dahil sa pagkimkim ng nararamdaman bumulusok ito at di niya napigilan. Lumaban siya kay Ogor na mapang api at mapangutya at pinatunayan niya na di siya dapat kinukutya dahil kahit ganun ang hitsura at kwento ng pamilya niya ay may dignidad din siya.
       Ang may akda ay napakahusay dahil pinalabas niya ang tunay na mga kaganapan sa lipunan ang pangungutya at panghuhusga sa kapwa na di man lang alam ang tunay nilang kwento.

Ogor
        Isang mapang-api at mapangutyang tauhan sa kwento na siyang nagbigay ng dahilan upang gawin o palabasin ang napunong balde ng galit na ibinuhos ni Impeng sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan. Sa pamamagitan din niya naipakita ni Sicat ang mga nasa taas ng ating lipunan. Ang mga matataas at makapangyarihan na humuhusga at laging nakagagawa ng gusto nilang naisin upang mapasunod ang mga mas mababa sa kanila dahil sa ganun ang kanilang kondisyon ay nagagawa nila itong maliitin at tapakan sa leeg.

Ina ni Impeng
       Kung ating susuriing mabuti, siya ay inang iba't iba ang pinagmulan ng lahi ng kanyang mga anak o sa madaling salita ay may iba't ibang asawa. Ang panghuhusga ng mga tao sa kanya ay isang babaeng walang dignidad ngunit kung susuriing mabuti may iba pang nais iparating ang tauhang ito sa mga mambabasa na maaring malaman kung gagalugaring mabuti ang akda.

Mga tao sa paligid
       Mga taong nakikisimpatya sa kung ano ang mangyayari. Sa palagay ko ay isinama ni Sicat ang mga tauhang ito upang imulat ang mga taong nananahimik at ayaw maglabas ng kanilang saloobin o damdamin tungkol sa katotohanang nangyayari sa kanilang kapaligiran.

C. Banghay

1. Panimula
       Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng, siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang asawa. Ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.
2. Saglit na kasiglahan
         Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
       Sa pang aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang-aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.
3. Suliraning inihahanap ng lunas
       Paano kaya maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pangaapi sa kanya ng mga tao? Paano niya mapipigilang isipin ng mga tao sa kanyang kapaligirang ang panghuhusga sa kanyang ina at mismong pamilya?
       Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapak-tapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalait-lait at kinukutya ang mga katulad niya.
4. Kasukdulan
        Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nangyari kayat ganun na lamang ang katahimikang naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyang mga mata na tinutuyo ng pagtitig ng mga matang nasa kapaligiran niya. Nadama niya ang bagong mayroon sa sarili. Ang tuklas na iyon ay ang pagiging matibay at matatag niya. Natamo niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.


D. Karagdagan

I. Tema o paksang diwa
       Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

II. Simbolismo
Sa pangalan ng Tauhan
Impeng- marahil ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng ikapit sa malapit na tawag na “aping” o naaapi.
Negro- maaaring dahil sa pag-uuri ng mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan pwedeng husgahan ng mga tao ang isang bagay. Gaya na lamang sa paghuhusga sa ina ni Impeng.
Sa mga bagay sa kwento
Balde- nangangahulagang damdamin na pag minsan napupuno ay kaylangang maisalin o bawasan gaya ni Impeng siya ay isang balde na napuno kay Ogor kaya't siya ay nakipagsagupa dito.
Gripo   -galit na pumupuno sa damdamin ni Impeng dahil sa palaging pagmamalabis ni Ogor at sa pamamagitan ng
pang-aapi at pangungutya ay di niya kinaya.
-maaari ring si Ogor na pumuno ng galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay nito.

III. Lenggwahe
          Payak ang pagamit sa mga lenggwahe na minsan ay may mga nakatagong kahulugan sa mga ilang pangugusap.
Naroon din ang mga salitang nagpakita at nakapaglahad ng matinding mga pangyayari sa kwento gaya ng sagupaan nila ni Ogor. Gumamit ng mga pormal na pananalita ang may akda. At minsan ay mga malalalim na salita.
Gaya ng halimbawang ito:
"Dagok, bayo, bayo, bayo. Kahit saan. Sa mukha, sa dibdib, dagok, dagok, dagok..."
Sa mga pahayag ay malalaman ang pagsuntok at pagadagok ng tauhan sa pangyayari sa kanilang sagupaan.

E. Kongklusyon
Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't ibang bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino. Napaikot niya ang mga tauhan nang may masining na pagpapaunawa sa mambabasa. Ang pagiging mahusay na manunulat ni Sicat ay maituturing na kaiba sa mga manunulat dahil hindi lang nito naapektuhan ang isang tao kundi maging ang kabuuan ng lipunan, sa damdamin at isipan.

12 comments:

  1. why rogelio sikat Wrote this story? for what

    ReplyDelete
    Replies
    1. To make people knew that all people is not like they have a wonderful life and to stop bullying other just because she's black


      Delete
  2. Ano yung panahon dito sa kwento nito?

    ReplyDelete
  3. Very good and very interested and would like to get a quote for the same price but I love you and I miss you

    ReplyDelete
  4. Thank you nakatulong kayo sa aking pagsusuri maraming salamat ho talaga ko😊💖

    ReplyDelete
  5. Napakaganda ng ginawa nyo sobrang linaw ng mga detalye na binigay nyo 😊💖

    ReplyDelete
  6. Sino po ang nagsasalita sa Akda po?

    ReplyDelete
  7. Ano po ba ang mga Uri ng Tunggalian nito

    ReplyDelete
  8. Ano po ang kahalagahan ng akdang ito

    ReplyDelete