Monday, May 26, 2014
Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pagsasalaysay
Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pangangatwiran- “CYBER CRIME LAW: nararapat lang na isabatas”
“CYBER CRIME LAW:
nararapat lang na isabatas”
Isa nanaman sa isyu ng ating bansang Pilipinas ay ang pagsasabatas ng Cyber Crime Law. Ito’y isang batas na kung saan lilimitahan ang mga nagaganap sa mga Social media o mga Social Networking Sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Hangad ng panukalang ito na mabigyan ng siguridad ang mga gumagamit ng mga nasabing naunang pahayag ngunit ang pagpapatupad ng ganitong programa o batas ay makakabuti ba o makakasama para sa ating mga Filipino?
Sa pagpapatupad ng batas na ito ano nga ba ang masama at magandang dulot nito para sa atin? Unahin na natin ang mga masasamang dulot nito. Una kaya maraming tumututol sa batas na ito ay sa kadahilanang mawawalan tayo o malilimitahan ang kalayaan natin sa pagpapahayag ng ating mga saloobin sa pamamagitan ng mga Social Media. Ang mga lalabag sa batas na ito ay maaaring makulong. Isa pa ay mahihirapan ang mga mag-aaral na mag-aral dahil sa limitasyon sa internet hindi nila malalaman ang mga kasagutan sa kanilang proyekto o mga gawain na kinakailangang saliksikin ng mabuti ngunit dumako naman tayo sa magagandang dulot ng batas na ito unahin na natin ang proteksyon natin sa pamamagitan ng batas na ito tayo’y mabibigyan ng seguridad sa paggamit ng internet. Ang mga magulang ay hindi mag-aalala sa kanilang mga anak na gumamit ng internet dahil sa batas ding nasabi mas mapapanatag ang mga kalooban nila. Isa pa ay ang siguridad para sa Cyber Bullying marami na tayong naririnig na mga balita patungkol sa mga Cyber Bullying na kung saan inaapi o pinagsasabihan ng mga masasamang bagay ang tao o kanyang mga larawan na nasa isang Social Networking Site. Isa din ay ang kagustuhan ng pamahalaan na mabigyan siguridad ang mga sites na kanilang ginagamit. Dahil sa pag usbong ng mga teknolohiya nariyan na rin ang mga Pakialamero o yung mga gustong mag-Hack ng account kung maipapatupad man ito hindi na mahahack ng mga hacker ang account ng isang tao o maging ng Gobyerno.
Kaya para sa akin wag nating isipin ang para lamang sa ating sarili, isipin din natin dapat ang kapakanan ng iba. Maaaring mababawasan ang ating kalayaan ngunit marami pang mga bagay at paraan kung paano natin maipahayag ang ating saloobin kaya nararapat lang na ipatupad ang batas na ito dahil tayo din mismo ang makikinabang sa mga magagandang dulot nito.
Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Paglalahad- “Kabataan sa makabagong henerasyon”
“Kabataan sa makabagong henerasyon”
Kabataan!Kabataan!Kabataan! kayo ang pag-asa ng bayan ayon kay Dr.Jose Rizal……ito ang katagang iniwan niya bago siya pumanaw.
Larawan mong unang panahon ang mga dalagang Pilipino bilang mga mahinhing kumilos,delekadesa konserbatibong manumit,ilan lamang ito sa pagiging tunay at tatak pilipina.
Ngunit bakit ngayo’y nawala na!! Nasaan na ang pagkakakilanlan sa atin tila nagbago na rin kasabay nang pagbabago ng ihip ng panahon nakisabay na din sa uso.Tayo’y namumuhay na sa makabagong mundo pati ang mga taong naninirahan ay nakisabay din sa pagbabago.Ngunit lahat may limitasyon ang sobra-sobra ay masama,Ang buhay noon na simple at payapa lamang na siyang kinasanayan ng mga tao upang makapamuhay.Kung minsan isang kahig isang tuka kung ituring,kung anong meron kaya pang pagtiisan ,Parang ngayon nagbago man an gating mundo kasabay ang pagbabago din ng imahe ng mga tao ngunit an gating kalakarang pamumuhay ay wala din nagbago makikita pa rin ang napakaraming mga mahihirap na Pilipino na umaasa lamang sa kung ano ang mayroon sa kanila at kung ano ang kaya nilang magawa upang mamuhay.Napakarami nang mga pangulo ang dumaan at namuno sa ating bansa iisa lamang ang layunin kundi ang sugpuin ang mga criminal ,labanan ang kahirapan.Ngunit hindi para sugpuin at patigilin.Harapin natin ang katotohanang sa dami-dami ng mga mamayangg namumuhay sa mundo ay hindi natin sila kayang hawakan sa leeg,tanging kahirapan ng ating bansa lamang ang tanging dahilan kung bakit sila ganito.Hanggang ngayon si Pnoy ang iniluklok ng sambayanan nguunit parang wala din lang,Magulo pa rin an gating ekonomiya ,patuloy pa rin ang paglobo ng mga pilipinong nagugutom isama na rito ang mga kabataang maagang namumulat sa pagpapamilya dahil na rin sa produkto ng mga makabagong teknolohiya,ang pagiging marupok ng mga kabataan ang nagdadala sa kanila sa kapahamakan na nagreresulta sa maagang pagkakabuntis na noon ito’y talamak na nangyayari hanggang sa ngayon kaya maaring nagugutom na mamamayan.Kung sa dinami-dami ng problemang kinakaharap n gating mga namumuno ay hindi nila alam kung anu ang uunahin.
Tayo ngayon ay namumuhay sa mundong makabago ang sistema ng edukasyon ay makabago na din,kaya kailangan natin sumunod sa takbo ng panahon.Umunlad na din ang ating bansa dahil sa mga teknolohiyang meron tayo nakakasabay na rin tayo sa ibang bansa.Ngunit ang mga pagbabagong ito ay may dala ring hindi kanais-nais na kapag nasobrahan na din sa paggamit at ito ang nakakasama sa pamumuhay nila,maaring mabawasan lang kung hindi mapigilan sa pamamagitan ng wastong patnubay sa mga kabataan makakatulong sa kanila ang pagkakaroon ng makabuluhang usapan sa harapan ng hapag kainan ang simpleng pagtatanong at pangangamusta sa kanila araw-araw ay pagpapakita nan g pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanila.
Upang hindi malayo ang kanilang loob,mas maganda bilang isang magulang na malaman natin kung sino-sino ang mga kaibigan n gating mga anak upang malaman natin kung maganda ba o masama silang impluwensya para sa ating mga anak.Iparamdam natin sa kanila na kahit medyo kinukulang na tayo ng panahon para sa ating mga anak ay makagawa man lang tayo ng mga simpleng bagay na ikasisiyat ikaaalala nila hindi malayo ang loob nila sa atin.Maaring ito marahil ang dahilan n gating mga anak kung bakit marami na sa kanila ay napapariwara ang buhay na maling landas ang natatahak.
Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Paglalarawan- “Ano nga ba ang kaibigan?”
“Ano nga ba ang kaibigan?”
Ano nga ba ang kaibigan? kaibigang laging nandiyan kapag may problema ka? O, kaibigang nandyan lang kapag kailangan ka? Mga kaibigang wagas kung makapag-trip,mga kaibigang magagawang makapagsinungaling makapag lakwatya lang, mga kaibigan hahamakin lahat yung tipong uutang sa kapwa kaibigan makasama lamang sa gimik ng tropa. Sino ba? O ano ba ang isang tunay na kaibigan? Sila ba yung kasama mo sa inuman? Sa Pag liban sa klase? Sa Pag-gagala? Yung tipong tatakas ka sa bahay makahabol lang sa lakad ng barkada. Ang tunay na kaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay.
Ang kaibigan kung saan-saan lang napupulot iyan, sa tabi-tabi, sa daan, sa klase para makakopya kailangan may sandigan kang kaibigan yung mga linyang “ui tol anu sagot mo sa number one?” Ang kaibigan ay kaibigan kailangan ng pasensya at tiwala, Pasensya para sa mga matitinding asaran ng barkada,tiwala para sa mga ilang plastic na nakapaligid sa tropa, Masasabi kong napakaswerte ko sa mga kaibigan ko na walang sawang mang-asar sa akin.
Sila rin yung mga kaibigang sa oras ng iyong pagdadalamhati ay nariyan sila upang handang umagapay. Yung tutulong para mapasagot ang mahal mo hanggang sa tutulong parin sayo sobrang dami ng inyong pinagdadaanan. Maaaring panahon ay magdaan tayong lahat ay tatanda makakahanap mng makakasama ngunit ang mga pangyayaring masaya at kalian may di malilimutan, maaari nating sariwain pagdating man ng araw kahit pa ang barkada’t mga kaibigan ay lumipas na ngunit hindi ang mga masasayang ala-ala.
Tulang Pasalaysay: Florante at Laura (Buod)
Florante at Laura
ni Francisco Baltasar
Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante
Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
Konde Sileno - ama ni Adolfo
Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
Antenor - guro ni Florante sa Atenas
Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona
Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante.
Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na siAntenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan niFlorante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kayFlorante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mgaPersyano. Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano. Nailigtas niFlorante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” siFlorante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya.
Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog siKonde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.
Mga Piling Linya sa Tula na Ginamitan ng Tayutay
1. Animang Pantig
•Kung ano ang buhay,
siyang kamatayan...
Ang hirap ko’y alam
ng iyong kariktan
tapatin mo lamang
yaring karaingan
At bigyan ng buhay,
ang pag-asang patay!
--Oksimoron
(www.tagaloglang.com)
•Siya ang berdugo
Na bahid ng dugo
Hawak ay gatilyo
Dugo’y kumukulo.
--Metapora
Berdugo ni Greg Bituin
•Palaman ko ay margarin
Kaya malinamnam ito
Para akong nasa bangin
Ng paglayang pangarap ko.
--Simile
Pandesal ni Greg Butuin
2. Waluhang Pantig
•Ang pag-ibig ko sa iyo
ay lansones na malasa
Ganyan din ang pagsinta mong
may lamukot na ligaya.
--Metapora
Parang Buto ng Lansones
•Ngunit ang suyuang iyan
kapag naging paglililo
Parang buto ng lansones
sa sinumpang paraiso!
--Simile
Parang Buto ng Lansones
•Bawat hukay, bawat libing
Ay isa lang pintong bukas
Na patungo sa lupaing
Maligaya't walang wakas.
--Sinekdoke
Bawat Hukay
(http://panitikan.hostingsiteforfree.com/criticism/mulasatradisyontungosakongregasyon.htm)
3. Labindalawahing Pantig
•May isang lupain sa dakong silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
kaya napatanyag ay sa kagandahan
at napabalita sa magandang asal.
--Hyperbole
(Panitikang Pambata)
•Habang nagduruyan ang buwang ninikat
sa lundo ng kanyang sinutlang liwanag,
isakay mo ako gabing mapamihag
sa mga pakpak mong humahalimuyak.
--Apostrope
(Panitikang Pambata)
•Ang puso'y lumukso sa pagkakakita
nitong bahagharing pagkaganda-ganda.
--Personipikasyon
(Panitikang Pambata)
4. Labing-animang Pantig
•Paalam na, Bayang giliw, lupang kasuyo ng araw,
Sa dagat Silanga’y Mutya, aming Langit na pumanaw,
Malugod kong sa‘yo’y hain ang amis ko’t lantang buhay,
At lalo mang maluningning, mabulaklak at malabay,
Ihahandog ko ring lubos, lumigaya ka man lamang.
--Personipikasyon
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
•Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng buwang-sinag,
Bayaan mong ang liwayway ay dagliang magliwanag,
Bayaan mo ring humibik at umangil ang habagat;
At sa dipa kung dumapo’y isang libong mapanatag
Bayaan mong huni niyang pamayapa ang igawad
--Onomatpeya
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
•Ngunit hindi hindi nagpagapi ang magigiting na bayani,
Bayaning gulok at panulat ang nagsilbing gamit,
Gamit na ating iningata't ipinagmalaki
Ipinagmalaki hanggang sa sila'y masawi!
--Onomatopeya
Bayang Pangako
5. Labin-waluhing Pantig
•di pantay ang hustisya kaya nga kaydami ng sumusulpot
na mga katanungang sadyang naghahanap ng mga sagot
di ang mayayaman lang ang dapat makadama ng hustisya
kundi dapat lahat, may hustisya dapat lalo na ang masa.
--Paralepsis
SA HUSTISYA'Y MAY TUNGGALIAN DIN NG URI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
•Ngayon hawak natin ang sariling laya at sariling palad
tungkulin ng lahat ay magtulong-tulong sa isang hinagap
ipakita natin sa buong daigdig na tayo ay ganap
na lahin dakila-- may pagkakaisa at di tulak tulak.
--Pag-aagapay
Ang bayan ko'y ito ni Jose Villa Panganiban.
•Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.
--Simile/Apostrope
Kay Ama
Mga Iba't ibang Uri ng Talumpati/ Pananalumpati
Talumpating Pampalibang:
Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng
tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap. Nariyan din ang
mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing naaalala ko ang mga kasiyahang ito naaalala ko
ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing may kasiyahan ay pumaparoon ako
upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong kanilang iaabot sa akin
hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na sakin na
makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng matatamis na
ngiti sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang materyal na bagay
o regalo dahil para sakin silay isa nang regalo ni Bathala. Dahil ang tunay na regalo ng pasko ay
di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi para sa kapanganakan ng
nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.
Talumpating Panghikayat:
Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan.
Aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! Iyon lamang at maraming
salamat.
Talumpating Nagbibigay Kabatiran:
Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang
Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.
Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. Isang
sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang
kahandaan ng Bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na
nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa
sinapit ng mga mahal sa buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan
ang isang sungit ng panahon.
Sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. Kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras
at bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na
muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging
manalangin sa poong lumikha.
Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay
ang kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang
pampasaherong sasakyan. Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y
walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng
pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag at magsikap upang sa pagdating ng
araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.
Talumpating Pagbibigay Galang:
May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng
mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na
kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang
mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa
lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa mga hirap at lungkot na kanilang
dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa pamamagitan ng pag-balik sa
lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha ng kanilang mga
kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at masisipag na
kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan. Maligayang
pagbabalik.
Talumpating pang-akit:
Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga dapat
isagawa, kaya kong gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi malabong
mababaon lamang sa wala ang inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas magiging
maunlad, mapayapa, at maganda ang ating lugar kaya't sana sa darating na halalan sana'y
ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito mapupunta o hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!
Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid kung sino
ang bayaning ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig ng mundo.
Ngunit sa pagiging tanyag niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng kanyang
buhay? Simulan natin ito nang siya ay musmus pa, noon pa man pansin na ang kayang
katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga musmus na katulad niya ay mahirap o
hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang manunulat, marami siyang
mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. Ilan sa mga kilalang akda
niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa ipinaglaban niya ang ating bansa
ng hindi gumagamit ng mga bagay nag maaaring kumitil ng buhay hindi marahil takot siya
kundi dahil alam niya na hindi sa pagpapadanak ng dugo ang tunay na pakikipaglaban para sa
kalayaan. Isa rin siyang modelo na dapat tularan ng ating mga kabataan lalo pa't siya na rin
ang nagwika na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kayat bilang pag-gunita tayo'y
magpasalamat sa kanyang nagawa dahil kundi sa katulad niyang bayani, hindi natin
mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!
Halimbawa ng Isang Pamanahong Papel o Term Paper na may pamagat na "Edukasyong Bilinggwal"
Introduksyon
Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng Filipino at English sa pagtuturo. Ang Filipino at English ay ituturo bilang mga asignaturang wika sa lahat ng antas upang matamo ang mga tunguhin ng kahusayang bilingwal.
Ang bilinggwalismo ay isang fenomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sa development ng wika. Higit pa, tinatanaw rin dito kung paano na ang wika ay malayang tinatanggap ng mga taong gumagamit nito. Ang bilinggwalismo rin ay tinataya na kakayahan ng isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika. Palagian nang balot ng isyu at mga kontrobersiya ang konsepto ng bilinggwalismo, isantabi na ang pananaw ng purista sa wika. Gayumpaman, nabibigyan pa rin ito ng malaking puwang partikular na ng mga aral sa wika dahil na rin sa benepisyong dulot nito hindi lamang sa larangan ng komunikasyon bagkus sa demografikal, politikal, ekonomikal at pedagojikal na tulong na naibibigay nito. Kung kaya naman, patuloy na lumalago ang mga pananaliksik kaugnay sa konspeto ng bilinggwalismo.
Sa papel na ito, bibigyang puwang ang pagtalakay sa bilinggwalismo sa larangang pedagojikal. Ayon nga kay Sibayan (1988), Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Nangangahulugan lamang na mahalagang madevelop muna ito bago tingnan sa makrong perspektibo ang iba’t ibang gawaing pangwika, nang sa gayon, ang mga mag-aaral ay magkaroon na ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga gamit ng wika.
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga guro at estudyante ukol sa edukasyong bilinggwal. Malaki ang papel nila ukol sa usaping ito at mas dapat na maibigay at maipahayag ang kanilang mga saloobin sa nasabing programa. Sa pagaaral na ito, malalaman, masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang hindi pa malalaman ng karamihan.
Dito malalaman ang mga epekto ng edukasyon bilinggwal sa sisitema ng edukasyon ngayon at sa hinaharap.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay makatutulong sa mga sumusunod:
1.Guro-Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga guro na madagdagan ang abilidad nila sa pagtuturo gamit ang Edukasyong Bilinggwal. Mapapataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng paggamit ng Edukasyong Bilinggwal
2. Mag-aaral-Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil madaragdagan ang kanilang kaalaman, mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Mapagtitibay din ang relasyon ng guro at estudyante. Mahahasa din ang kasanayan nila sa paggamit ng dalawang salita; ang Ingles at ang Filipino.
3. Pamahalaan- Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil malalaman nila kung ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mapag-aaralan din nila ang pamamalakad ng Edukasyon Bilinggwal at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin. At lalong mapapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon.
Ano ang Kasaysayan ng Edukasyong Bilinggwal?
Binigyan ni Bloomfield ng simpleng definisyon ang bilinggwalismo, aniya, ito ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang individwal. Samantala, ayon naman kay Diebold, inilarawan niya ang bilinggwalismo bilang pangunahing mga yugto ng pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika. Kung susuriin ang dalawang konsepto, makikita ang kanilang common denominator, ito ay ang pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika na may tiyak na layunin kung bakit ito nangyayari.
Nangyayari ang bilinggwalismo dahil na rin sa kakayahan ng tao na makipag-interak partikular na ang makipag-usap. Maaari ring maging dahilan nito ay ang tiyak na pangangailangan ng isang individwal na gamitin ang pangalawang wika para makaadap sa panibagong lipunang kanyang ginagalawan. Ito ngayon ang tinatawag na instrumental na pangangailangan ng tao sa paggamit ng wika. Sa pangyayaring ito, hindi malay o konsyus ang isang tao na unti-unti niyang nadedevelop ang pangalawang wika niya tungo sa tinatawag na bilinggwalismo. Batay pa sa mga naisagawang pag-aaral, ang paulit-ulit na gamit ng isang wika at minimum na eksposyur ay nagsisilbing malaking tulong para madevelop ang kakayahan ng isang tao para matuto ng isang wika.
Gayumpaman, bentaha para sa isang individwal na matatag ang kanyang unang wika para mas mabilis niyang matutunan ang pangalawang wika.
Sa puntong ito, malaki naman ang maitutulong ng larangan ng saykolinggwistiks – ipinapakita rito ang pagpoproseso ng pagkatuto ng isang tao sa wika at kung papaano niya ito tinatanggap sa kanyang sarili. Sakaling pareho nang develop ang dalawang wika sa isang tao, maaari na ngayon siyang matawag na equilingual o ambilingual. Ito ay nangangahulugan na sapat ang kakayahan at kaalaman ng isang tao sa dalawang magkaibang wika.
Marami na ang nagbigay ng kuru-kuro at paliwanag kung bakit nagkakaroon ng bilinggwal. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
1. Geographical Proximity – ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal na lipunan. Ito ay dahil sa palipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
2. Historical Factors – ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng informasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga informasyon, napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika.
3. Migration – ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
4. Relihiyon – ang relihiyon ay nagtataglay rin ng malaking faktor tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
5. Public/International Relations – ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba’t ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.
Kaugnay nito, hindi na bago sa Pilipinas ang konsepto ng bilinggwalismo. Sa katunayan, kung babalikan ang kasaysayan, panahon pa lamang ng Kastila ay marami ng Pilipinong bilinggwal. Hindi pa nga lamang ito ganap na formalisado. Mula sa mga pahayagan hanggang sa mga maliliit na lathalain na naipalabas noon gamit ang mga wikang vernakular at wikang Kastila, masasabing mayroon nang oryentasyon ang lipunang Pilipino noon pa man kaugnay sa konsepto ng bilinggwalismo.
Naging formal lamang ang lahat nang ipatupad ng National Board of Education taong 1973, DO. No. 25, 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual education.”
Layunin ng order na ito na makadevelop ng isang lipunang may sapat na kakayahan sa gamit ng dalawang wikang malawakang nagagamit sa Pilipinas: Ingles at Filipino (na noon ay Pilipino). Binigyan ang dalawang banggit na wika ng kani-kanilang papel sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas mula elementarya, hayskul hanggang sa level tersyarya. Batay sa order, anumang aralin na tahasang tatalakay sa kultura ay nararapat na ituro sa Filipino. Samantala, ang matematika at mga aralin sa natural sciences ay sa Ingles naman ituturo. Subalit, maaari pa rin namang gamitin ang Filipino lalo na sa pagpapaliwanag ng mga aralin tungo sa lubos na pag-unawa. Hindi na tatalakayin nang malalim sa papel na ito kung anu-anong mga sabjek pa ang nararapat na ituro sa Filipino at Ingles sa tatlong nabanggit na antas. Bagkus, ipakikita rito ang konsepto ng patakarang bilinggwal na ipinapatupad sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Suliranin ng Pag-aaral
Upang lubusang maunawaan ang pag-aaral kailangan sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Pangunahing Suliranin
Ano ang dulot ng Edukasyong Bilinggwal sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas?
1.Ano ang Edukasyong Bilinggwal?
2.Sino-sino ang mga apektado nito?
3.Ano ang mabuti at masamang maidudulot ng Edukasyong Bilinggwal sa mga mag-aaral?
Pagbibigay kahulugan sa mga Salita
Ang mga salita sa ibaba ay may kaugnay sa pag-aaral na maaaring hindi gaanong maunawaan kayat kailangang bigyan ng malinaw na pakahulugan.
Bilinggwalismo -- ay isang fenomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks.
Saykolinggwistiks -- ugnayan ng wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sa development ng wika.
Geographical Proximity – ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal na lipunan. Ito ay dahil sa palipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
Historical Factors – ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng informasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga informasyon, napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika.
Migration – ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
Public/International Relations – ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba’t ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga
Pedagohikal -- ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo.
Relihiyon – ang relihiyon ay nagtataglay rin ng malaking faktor tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
Katawan
I. Upang lalong maunawaan ang pagaaral inilahad sa ibaba ang kahulugan at kasaysayan ng Edukasyong Bilinggwal.
Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng Filipino at English sa pagtuturo. Ang Filipino at English ay ituturo bilang mga asignaturang wika sa lahat ng antas upang matamo ang mga tunguhin ng kahusayang bilingwal.
Ang pormula ng wikang Filipino.
T/I + EB = F (pagpapalit-koda, paghahalo-koda at pag-aasimila): Wika ng kasalukuyang henerasyon.
T=TAGALOG
I=INGGLES
EB=Edukasyong Bilinggwal
F=Filipino
Isa-isang ipaliliwanag ang mga termino sa itaas: Una ang Tagalog, wika ng ilang lalawigan sa Pilipinas – Laguna, Quezon, Batangas, Bulacan, Rizal, Mindoro, ilang bahagi ng Nueva Ecija at Cavite. Sa katawagan noon, ito rin ang diyalektong pinagbatayan ng Wikang Pambansa noong Nob. 9, 1937 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Samantala, Ang Ingles ay isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas at ginagamit nating mga Pilipino sa pakikipag-komunikasyon sa mga dayuhan, dahil iginiit itong midyum ng instruksyon ng edukasyong Pilipino noong panahon ng mga Amerikano at ng pumalit na mga elitistang edukador. Naging dominanteng wika ito sa larangan ng edukasyon bago ipatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 Patakarang Edukasyong Bilinggwal noong 1972.
Pangalawa, ang Edukasyong Bilinggwal, ito ay naglalayong makalikha ng mamamayang nakapagpapahayag ng saloobin, kaalaman, karanasan, atbp. sa dalawang wika (Filipino at Ingles) sa magkahiwalay na gawain.
Ito rin ay ang paggamit ng Ingles sa mga tiyak na asignatura gaya ng Matematika, Siyensya at Ingles. Samantala, ang mga asignaturang di nabanggit gaya ng Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga, atbp. na may kinalaman sa kulturang Pilipino ay sa Filipino ituturo. Bunga ng patakarang bilinggwal, nakalikha ang mga paaralan at media ng mga kabataang gumagamit ng pagpapalit-koda (Taglish at Inggalog), paghahalo-koda (Filipino at Ingles), at pag-aasimila na tinatawag nating mga barayti ng wikang Filipino s akasalukuyan. Ang paghahalo-koda (code mixing) ay maaaring Taglish (paggamit ng mas maraming Tagalog kaysa Ingles) at maaari din namang Inggalog(mas marami ang Ingles). Ang paghahalo-koda ay ang paggamit ng Tagalog at Ingles nang sabay sa loob ng isang pangungusap.
Hal. 1. (Taglish) Maraming function ang wikang pambansa. Isa na rito ang development ng iba’t ibang kultura sa ating bansa.
2. (Inggalog) Ma’am, are you giving us hand-outs para dito? Ang pagpapalit-koda (code switching) ay ipinapalagay ring isang uri ng paghahalo-koda, ang pagkakaiba nga lamang ay nagaganap ito sa isang talata na kung saan palitan ang paglalahad sa Ingles at Filipino.
Hal. Proclamation by President Quezon of Tagalog as the basis of the national language. Ipinag-utos din ang pagpapalimbag ng diksyunaryo at Balarila ng Wikang Pambansa, two years after the date of proclamation.Ang pag-aasimila naman ay ang panghihiram ng salita mula sa ibang wika (Ingles) na binabaybay sa pamamagitan ng mga tuntunin sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 81 s. 1987, Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling, na isa sa mga proseso ay ang pagkakabit ng mga panlapi.
Hal. 1. Ang talento ng bata sa pagkanta ay nadebelop sa tulong ng kanyang mga kapatid (binaybay sa Filipino).
2. Isa siya sa mga nag-develop sa talento ko (pagkakabit ng panlapi).Ang mga ipinaliwanag ko sa itaas ay mga wikang ginagamit ng bagong henerasyon. Wala na tayong magagawa rito sapagkat sabi nga ni Lope K. Santos, “Ang wika ay walang panginoon kundi ang panahon.” Ito na ang sinasalita ng panahon. Idagdag pa ang sinabi ni Hornedo, isang sikat na iskolar sa wika at panitikan ng Ateneo University: “Ang wika ay namamatay sa daigdig ng sinauna (gaya ng Latin at Griyego); sumusulong at yumayabong sa daigdig ng kabataan (Filipino). Kaya ang ibig magpayaman ng wika ay dapat makinig nang mabuti sa winiwika ng mga bagong tao.
Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay patuloy na yumayabong di lamang sa lansangan kundi maging sa paaralan, riserts, mass media, atbp. Samakatwid, ang Filipino ay intelektwalisadong wika na at darating ang Panahon, magiging istandardisado rin ito. Intelektwalisado ang wika, ayon kay Dr. Sibayan, isang lingwista ng PNU, (1999) kung “language which can be used for educating a person in any field of knowledge from kindergarten to the university and beyond.” Ito ang nangyayari na sa kasalukuyan sa iba’t ibang pamantasan gaya ng UP at PNU.
Ayon naman kay Fortunato, isang linggwista ng DLSU-Manila (1996), “ang istandardisasyon ang proseso ng pagiging magkakaanyo, magkakahawig o uniporme ng isang wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito. Ang Filipino ay patuloy pa lamang sa pagiging istandardisadong wika.”
II. Sa pag-aaral nailahad kung sino-sino ang mga apektado at kung ano ang mabuti at masamang dulot ng Edukasyong Bilinggwal sa sistema ng eduksayon sa Pilipinas.
Ang patuloy na pagkilos tungo sa tinatawag na globalisasyon at habang umuunlad ang isang global language ay lalong pinahahalagahan ng bawat bansa ang kani-kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan partikular na ang language and cultural identity. Lalo din namang pinahahalagahan at kinikilala ng mga ahensyang pang-internasyonal tulad ng UNESCO, ang tinatawag na cultural and linguistic diversity, kasunod ang pagkilala sa karapatan sa wika at kultura ng bawat pangkat o bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon tayong 144 buhay na wika. Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974) humigit-kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika. Sa kabila ng pagiging linguistically diverse na bansa natin, mula pa 1974 ang ating edukasyon ay nakatutok sa patakarang bilinggwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ng Pangulong Marcos, hinikayat na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya, sa katunayan noon pa man ay nagkaroon na ng mga pagsasanay para dito sa pamumuno ng dating Surian sa Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino. Sinundan ito ng E.O 335 noong 1988, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya. Subalit noong 2003, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-atas na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo. Kaugnay pa sa pakikilahok ng bansa sa pandaigdigang pamilihan na sa ngayon ay English ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekonomiya at komersyo. Ayon pa sa Pangulo: “OurEnglish literacy,our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT. We must continue our English literacy which we are losing fast.” Kasunod ng pahayag ng pangulo na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo, nagpalabas ang Malacañang ng Executive Order No. 210 noong Mayo, 2003 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English language as a Medium of Instruction in the Educational System”. Bilang patakaran, ayon sa kautusan, ituturo ang English simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English, Matematika, at Agham. English ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa paggamit ng naturang wika. Sa mga institusyong pantersyarya man ay English ang gagamiting pangunahing wikang panturo, ayon sa kautusan. Bunga parin, nalimitahan ang gamit ng Filipino at itinakda na lamang bilang wikang panturo ng mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. At sa mga nakaraang panahon, pinagtibay ng Kongreso ang House Bill 4701 na may pamagat na “An Act Prescribing English as the Medium of Instruction in Philippine Schools.” Kaugnay parin, ilalahad ang ilang mga pag-aaral kaugnay ng patakarang pangwika ng bansa Noong 1974, nagsimulang ipatupad ang patakaran sa edukasyong bilinggwal bilang pagsuporta sa paglinang ng isang bilinggwal na bansa. Nang mapagtibay ang 1987 Konstitusyon, nirebisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang patakarang ito at ipinalabas ang 1987 Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na halos katulad lamang ng nakaraang patakaran maliban sa ilang dagdag na probisyon tulad ng pagbibigay sa antas tersyarya ng gampaning pangunahan ang intelektwalisasyon ng Filipino. Nakasaad din na kailangan ang regular na pag-evaluate sa naturangpatakaran. Kung kaya’t noong 1986, isinagawa ng isang pangkat ng LSP ang unang summative evaluation sa pagpapatupad ng patakaran ng edukasyong bilinggwal sa antas tersyarya na pinangunahan nina Sibayan at Gonzalez (1987).
Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Sibayan, hindi seryosong ipinatupad ng mga paaralan ang programang edukasyong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa paggamit o paraan ng paggamit ng Pilipino sa mga paaralan ngunit hindi sa Pilipino bilang pambansang wika. Inilahad din ng resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa buong bansa ay napakahina ang performance, sa mga paaralang pampubliko o pampribado, magagaling o mahihina mang paaralan. Ang dahilan ng malungkot na sitwasyong ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa asignaturang kanilang itinuturo.
Ipinakita sa kinalabasan ng ebalwasyon na ang Edukasyong Bilinggwal ay hindi prayoridad sa antas tersyarya. Sa karamihan ng mga institusyong pantersyarya, ang pagpapatupad ng Edukasyong bilinggwal ay walang masusing disenyo, Bilang pagbubuod, ang pag-aaral ay nagkaroon ng kongklusyon na ang pagbaba ng achievement scores ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ay hindi dapat isisi sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal kundi sa kakulangan ng kakayahan ng mga guro, mahinang pamamahala ng mga paaralan at kakulangan ng mga aklat at iba pang mga kagamitan sa pagkatuto – mga salik na iniuugnay sa mababang sosyo-ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal. Ang pag-aaral din ay sinundan ng pag-aaral ni Fuentes (2000) sa istatus ng pagpapatupad ng 1987 patakarang edukasyong bilinggwal, ngunit naging limitado lamang sa mga institusyong pantersyarya sa Cebuano at Hiligaynon. Ayon sa pag-aaral, bigo ang implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga institusyong pantersyarya ng Cebuano at Hiligaynon. Ang pagpapaunlad ng kakayahan sa wikang English ang pangunahing layunin ng mga institusyong pantersyarya sa mga nabanggit na lugar at ang Edukasyong Bilinggwal ay itinuturing na hadlang sa di pagtamo ng layuning ito Ang pag-aaral din ay nagpapatunay na ang wikang Filipino ay tanggap na bilang wika ng pagkakaisa at simbolo ng pambansang pagkakakilanlan maging sa mga Cebuano noon pa ay nagpakita na ng matinding pagtutol. Gayunpaman, naniniwala ang karamihan na ang pagiging angkop bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang angkop dingwikang panturo sa mga asignaturang science at math. Ipinaliwanag ni Fuentes na “Filipino is percieived to have more of symbolic than functional purpose in the lives of Filipinos.” Idinagdag pa na naniniwala ang karamihan na sila ay makabansa sa kabila ng kanilang kakulangan ng kakayahan sa wikang pambansa. Ayon pa rin kay Fuentes, nangangahulugan na sa isang multilinggwal na pamayanang tulad ng Pilipinas, ang damdaming makabansa ay nakakabit sa kanilang unang wika (mother tongue) kung kaya’t ang kahinaan sa pambansang wika ay hindi nangangahulugang nababawasaan ang kanilang pagiging makabansa. Sa kabilang banda, ang kakayahan sa wikang English ay pangunahing kailangan sa pagtatamo ng ekonomikong tagumpay dahil nananatili itong wika ng mahahalagang larangan partikular ng pamahalaan, negosyo at mataas na edukasyon.
Mahalagang banggitin na ang pinakamadalas sabihing dahilan ng di pagpatupad ng patakaran ay ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Sa kabilang dako, mahalagang banggitin dito ang naging resulta ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999, ang Pilipinas ay pang-38 sa Math at pang-40 sa Science sa kabuuang 41 na lumahok na bansa. Dahil sa kabila ng pagtuturo ng science at math sa wikang English sa loob ng mahigit na isang daang taon. Nangangahulugan na maaaring walang kinalaman sa wika o hindi lamang tungkol sa wika ang dahilan kung bakit mahina ang mga Pilipino sa Math at Science?
Kung wika man ang dahilan, hindi kaya dahil sa wikang English na ginagamit na midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang Science at Math? Ang karanasan ng Tsina, Hapon at Rusya ay sapat na patunay na maaaring maging mahusay sa science at math kahit ito’y itinuturo hindi sa Ingles. Sa anong midyum nga ba mas madaling matuto ang ating mga estudyante?
Sa pagsagot ng mga katanungan, mahalagang talakayin ang papel na “Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices, and Alternatives” ni Dr. Ana Taufeulungaki, Direktor ng Institute of Education ng Unibersidad ng South Pacific (2004) na naglarawan sa konteksto ng wika sa Rehiyon Pasipiko. Tinalakay din ang mga karaniwang dahilan ng pagpili ng wika at nagbigay nagmungkahi ng mga hakbang na maaaring isaalang–alang ng mga tagapanghanda ng patakaran at sistema ng edukasyon. Ayon sa naturang papel , ang Pasipiko ay sinasabing “most linguistically complex region” sa mundo na mayroong mahigit sa isang libong natatanging wikang bernakular na sinasalita ng kulang sa 10 milyong naninirahan. Maliban pa ito sa mga wikang dayuhan na dala ng mga misyonaryo, negosyante at mga mananakop na nanirahan sa Rehiyon Pasipiko tulad ng English, French, Spanish, Japanese, Chinese, Hidustani, Filipino , Korean at German.
Sa layuning matulungan ang mga bansa sa Pasipiko na makabuo ng angkop na mga patakarang panwika na magtataguyod ng pantay na edukasyon at mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, ang World Bank ay nagkomisyon ng isang papel noong 1994 upang suriin ang pandaigdigang karanasan sa “Paggamit ng Una at Pangalawang Wika sa Edukasyon”.
Natuklasan sa naturang pag-aaral ang mga sumusunod:
a. Ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa nang 12 taon upang matutunan ang kanilang unang wika. Ibig sabihin na ang unang 12 taon ng bata ay dapat nakalaan o bigyang diin ang pagkatuto ng unang wika ng bata.
b. Ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa mga matatanda.
c. Ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika .
d. Ang development ng unang wika ng bata na may kaugnayan sa kognitibong development ay higit na mahalaga kaysa paghantad sa pangalawang wika. Kung gayon, pinabubulaanan ng nturang pahayag na hangga’t maaga ay turuan na ng pangalawang wika o bigyan ng mahabang oras ang pagkatuto ng L2 ang mga bata. Halimbawa: Sa mga sitwasyon sa paaralan, ang mga bata ay dapat matuto ng akademikong kasanayan sa wika gayundin ng mga kasanayan sa sosyal na komunikasyon. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng bata.
f. Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika sa iba’t ibang paraan, batay sa kanilang kultura, sa kanilang pangkat at sa kanilang indibidwal na katauhan.
Sa rebyu ng literatura, sa nabanggit na papel ay nagkaroon ng konklusyon na:
a. Ang development ng unang wika ay kritikal sa kognitibong development at bilang batayan sa pagkatuto ng pangalawang wika.
b. Ang mga guro ay dapat nakauunawa, nakapagsasalita at nakagagamit ng wika ng pagtuturo, maging una man o pangalawang wika.
c. Ang suporta at pakikisangkot ng mga magulang at pamayanan ay mahalaga sa lahat ng matagumpay na mga programa.
Bagamat kinikilala ng mga bansang Pasipiko ang kahalagahan ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo, sa katotohanan, iba-ibang mga patakaran at kaugalian ang matatagpuan. Sa halos lahat ng bansa dito, ang unang wika ay ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa unang anim na taon sa edukasyong primarya.
Kung gayon, kailangang matutunan ng mga mag-aaral sa Pasipiko na ang pangalawang wika bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Bunga ng ganitong sitwasyon, nagkakaroon ng ilang suliranin: If the mother is not strong, students will have difficulty in acquiring the second language, which will have negative impacts on their learning and educational achievement. A language also is not learned in isolation. It comes with the cultural values, beliefs, rules and conventions of its home culture.
Ipinaliwanag pa sa papel na ito na ang mga mag-aaral ay dapat matuto hindi lamang sa kanilang wika kundi maging sa kultura ng wikang iyon. Idinagdag pa na kadalasan ang mga paaralan ay ginagaya sa anyong kanlurang edukasyon, na nagmumula sa ibang mga sistema ng pagpapahalaga at mayroong ibang sistema ng komunikasyon at nagtataguyod ng ibang istratehiya sa pagtuturo at pagkatuto na naiiba sa kontekstong sosyo-kultural ng karamihan ng mga mag-aaral sa Pasipiko. Ang resulta nito ay ang mahinang mga wika at mga pamayanan sa pasipiko na maaaring dumanas ng pagkalipol at pagbagsak ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa Pasipiko.
Bilang konklusyon, ayon kay Taufeulungaki, ang pagpili at mga desisyon ng mga bansang Pasipiko na magtatakda ng mga patakarang pangwika at mga kaugaliang pangedukasyon ay ayon sa kanilang sariling mga bisyon at mga developmental na mithiin, ang internal na pagkakaisa at eksternal na partisipasyon sa modernong global na pamayanan. Nagiging malinaw na ang dalawang ito ay hindi diametrikal na magkasalungat. Sinabi ni Taufeulungaki: Language can be both the tool to strengthen individual and group identity leading to high self-esteem and self-confidence, the prerequisites to effective learning, and the acquisition of additive education. By promoting and developing mother tongue education, cognitive development will be enhanced and a sound basis will be provided for the acquisition of a second language, the vehicle of modern development and participation in the world community.
Kaugnay ng isyu tungkol sa edukasyong multilinggwal sa Pilipinas, noon pang 1948 nagsagawa na ng mga eksperimentong pagtuturo sa wikang bernakular. Simula noon nagkaroon na ng mga pagtatangka at pagsisikap na isama ang wikang bernakular sa kurikulum ng edukasyong elementarya. Noong Abril 2000, ang rekomendasyon ng Presidential Commission on Educational Reform (PCER) ay nagsasaad ng paggamit ng ng lingua franca at mga bernakular. Sa paunang salita ng mga tiyak na mungkahing pagbabago ay mababasa ang:
“While reaffirming the Bilingual Education Policy and the improvement in the teaching of English and Filipino, this proposal aims to introduce the use of the regionallingua franca or vernacular as the medium of instruction in Grade One.
Studies have shown that this change will make students stay in rather than drop out of school, learn better, quicker and more permanently and will, in fact, be able to use the first language as a bridge to more effective learning in English and Filipino as well as facilitate the development of their cognitive maturity.”(PCER, 2000).
Noong 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Bro. Andrew Gonzalez, nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education. Sa 16 na rehiyon sa bansa , nagkaroon ng experimental class sa grade one na gumamit ng lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura, at ang control class ay ang bilingual education.
Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilinggwal, mababanggit na ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distrito, tanging ang Lubuagan lamang ang may First Language Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa science at math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilinggwal.
Ipinakita sa resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.
Ang mga programang katulad ng Lubuagan First Langauge Component ay nagpapahiwatig na ang mga pagbabagong ibinatay sa pamayanan gamit ang unang wika ng mga mag-aaral ay matagumpay na maisasakatuparan. Mahalaga sa ganitong programa ay ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamayanan na maaaring pasimulan ng pakikiisa ng mga miyembro ng pamayanan sa pagpaplano, pagbuo, pagpapatupad at pagtaya ng programa.
Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksyong naaayon sa kanilang preperensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din namang lumalakas ang tawag sa lokalisasyon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral, ang globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa pamamagitan ng maaayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa.
Buod
Ang pag-aaral ay may layuning malaman kung ano ba ang epekto ng Edukasyong Bilinggwal sa sistema ng edukasyon ng Pilinas. Sa pag-aaral, nalaman din ang mga masama at mabuting dulot ng Edukasyong Bilinggwal sa sistema ng edukasyon ng bansang Pilipinas maging kung sino sino ang mga apektado ng naturang programa.
Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng Filipino at English sa pagtuturo. Ang Filipino at English ay ituturo bilang mga asignaturang wika sa lahat ng antas upang matamo ang mga tunguhin ng kahusayang bilinggwal.
Sa kasalukuyan,ayon sa mga pagsasaliksik ta pag-aaral wala pa ring follow – up ang ebalwasyon na isinagawa noong taong 1974 hanggang 1985. Subalit, may mga paaralan na hindi ito sinusunod bagkus patuloy pa rin na nababalewala ang kautusang ito. Pangalawa, malaki ang pondong kakailanganin tungo sa panibagong pambansang ebalwasyong isasagawa. Nakalilikha pa ng kalituhan at kaguluhan hindi lamang sa mga paaralan isama pa rito ang pagbagsak ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kadalasan, hindi nabibigyang pansin ng mga nasa akademiya ang halaga ng gamit ng unang wika sa pagkatuto. Ang papel ng programa ay masasabing krusyal dahil na rin ang wikang Filipino ang wika na kanilang nauunawaan. Dalawang bagay tuloy ang nasasakripisyo, hindi na natuto sa wika, hindi pa rin natutunan ang isang partikular na aralin na nagreresulta sa pagbaba ng literasi reyt ng mga kabataang mag-aaral. Ito ang isa sa mga problemang hindi nakikita ng pamahalaan na patuloy pa ring sinususugan ang pagpapalakas ng gamit ng Ingles bilang midyum ng instruksyon kahit na mahina pa sa unang wika ang mga mag-aaral.
Bilang pangwakas, hindi pinagsasabong sa papel o pag-aaral ang Filipino at Ingles. Bagkus, bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang papel at kontribusyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais lamang na ipakita sa pag-aaral na bawat isa sa kanila ay may oportunidad na hatid sa atin sa larangan ng pagkatuto. Ang tunay na mithiin lang naman ng mga akademisyan ay matuto ang mag-aaral gamit ang wikang alam salitain at unawain ng mga gumagamit nito. Mula dito, makikita ang unti-unting pag-angat hindi lamang sa buhay akademiko bagkus pag-angat sa kamalayan ng bawat mag-aaral na Pilipino.
Bibliyograpiya
Mga Sanggunian
Castillo, Emma S. Language-Related Recommendations from the Presidential Commission on
Educational Reform. Philippine Journal of Linguistics, Volume 31, Number 2,
December, 2000. LSP.
Congressional Commission on Education. 1991. Making Education Work, An Agenda for
Reform. Congress of the Republic of the Philippines, Manila. 1991.
Dekker, Dianne and Young, Catherine. 2005. Bridging the Gap: the Development of
Appropriate Educational Strategies for Minority Language Communities in the
Philippines. Current Issues in Language Planning. Vol. 6, No. 2, 2005.
Espiritu, Clemencia C. 2004. Ang Politika sa pagbuo at Pagpaptupad ng mga patakarang
Pangwika sa Pilipinas. Sangguni, Volume XIV No. 1, PNU.
Fuentes, Gloria G. 2000. The Status of Implemetation of the 1987 Policy on Bilingual Education
in Cebuano and Hiligaynon Tertiary Institutions. Philippine Journal of Linguistics,
Volume 31, Number 2, December, 2000. LSP.
Gonzalez, Andrew and Bonifacio Sibayan. Evaluating Bilingual Education in the Phlippines
(1974-1985). Linguistic Society of the Philippines, Manila 1988.
Maminta Rosario E. Program Design and Implementation of Philippine language Education:
Research and Theoretical Perspectives. Linguistics and Language Education in the
Phlippines and Beyond. LSP, Manila, 2005
Martin, Isabel P. 2005. Conflicts and Complications in Phlippine Education: Implications for
ELT. Linguistics and Language Education in the Phlippines and Beyond. LSP, Manila,
2005.
Taufeulungaki, Ana. 2004. Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices and
Alternatives. Pacific Islands Forum Secretariat. Apia, Samoa, 2004.
UNESCO (2003) Education in a Multilingual World. (Education Position Paper). On www at
http://unesdoc.inesco.org/images/0012/00129728e.pdf.
Young, Catherine. 2002. First Language First: Literacy Education for the Future in a
Multilingual Philippine Society. International Journal of Bilingual Education and
Bilingualism. Vol. 5, No. 4, 2002.
MGA REFERENS
A. Mga Aklat
Catacataca P. at Espiritu C. (2005). Wikang Filipino:
kasaysayan at pag-unlad. Manila: Rex bookstore.
Eastman, C. (1982). Language planning: an introduction. San
Francisco, USA: Chandler and sharp publishers, inc.
Sibayan, B. (1999). The intellectualization of Filipino. Manila:
LSP-DLSU-M.
Resuma V. at Semorlan T. (2000). Komunikasyon sa Filipino.
QC: UP press.
Santos, B. (2003). Ang wikang Filipino sa loob at labas ng
akademiya’t bansa. QC: SF, UPSWF & NCCA.
B. On-line Sources
http://ccat.sas.upenn.edu/
http://education.yahoo.com/reference/encyclopedia/entyr/bilingualism
cgcfrancisco@yahoo.com/mgababasahinsafili123/kfp/030106
Uri ng Paglalahad: Pagpapaliwanag ng Kayarian
Kayarian ng payong
Ang isang bagay na kung saan itoy ginagamit natin upang panangga sa patak ng ulan o sa sikat ng araw ngunit ang ginagamit nating payong ay alam ba natin kung ano ang mga kagamitan o materyales na bumubuo sa kayarian ng isang payonh? Narito ang kayarian ng isang payong. Ang payong ay yari sa isang tela, alambre at bakal, sa tuktok nito ay doon nakakabit ang tela na kung saan ang telang ito hindi nababasa o kayang pasukin ng tubig at ang telang ito ang siyang magsisilbing panangga ang alambre ang magsisislbing hahawak sa tela upang ito ay bumuka at ang mga alambre ding ito ay nakakabit sa isang sinlaki ng daliring tubo o bakal at ito ay ang siyang hahawak o pagkakabitan ng mga alambre upang maibuka ang tela sa itaas na bahagi at sa ibabang bahagi naman makikita ang hawakan na siyang hahawakan ng gagamit nito at naroon din malapit sa hawakan ang pindutan na kapag pipindutin ay magbubukas ang isang payong.
Uri ng Paglalahad: Pagpapaliwanag ng pamamaraan
Ang Mabuting paraan ng pagsasaulo
Sa isang mag-aaral kailangan din natin ang magsaulo ng mga bagay bagay gaya ng tula, piyesa sa balagtasan at iba pang maaaring kaugnay sa isang panitikan. Minsan din nagsasaulo tayong mga estudyante para sa ating pagsusulit para na rin makakuha ng mataas na marka. Ngunit upang makapagsaulo ng mabuti ano ang mga paraan na dapat natin gawin o sundin?
Una, dapat muna tayong maghanap ng isang lugar na kung saan dito ay tahimik, sunod ay basahin ang piyesa o tekstong isasaulo, unawain ito ng mabuti basahin ng paulit ulit hanggang sa iyo itong maunawaan at pagkatapos ay basahin ito ng paulit ulit at wag magpapaabala o istorbo sa kahit ano man. Pagkatapos ay isaulo ito at sambit sambitin matapos ito ay sambitin na ang teksto o piyesang isinasaulo o binabasa ng hindi tumutingin sa kopya o teksto at pagkatapos ay ituloy lang ang pagsasaulo nito. Ulitin lang ang mga proseso ng paulit ulit at hanggat maaari ay qag tumigil hanggat di pa naisasaulo dahila ang paghinto ay maaaring magsanhi ng pagkalimotsa isinasaulo at ulit ulitin lamang ang mga paraan upuang maisaulo ng maayos.
Mga Halimbawa ng Paglalahad: Pagpapangkat o Paguuri
Bahay
Ayon sa diksyunaryong Ingles ang salitang "house" o "bahay" sa Filipino ay isang gusali na kung saan nagsisilbing tirahan ng isang tao o pamilya. Ang bahay din ay isang kailanganin ng tao upang siya ay mamuhay ng maayos. Ang bahay ang magiging tahana na kung saan ang mag-asawa ay bubuo ng pamilya at magkakaroon ng mga anak at apo. Ang bahay din ang nagsisilbing bubong ng bawat pamilya o kanila itong sisilungan sa tuwing may ulan o sa tuwing malakas o matindi ang sikat ng araw. Kung may mga sakuna gaya na lamang ng bagyo ang bahay din ang siyang nagiging panangga upang tayo ay maging ligtas ay nang hindi manginig sa lamig ng ulan o mabasa ngunit ang bahay ay hindi lamang nauukol sa panangga o gusaling tinitirahan ng usang pamilya maaari ring ang bahay ay isang gusali na kung saan kinukompleto nito ang isang maaayos na pamilya at paano nito nakukumpleto? Ang bahay ang sunasabing ang kukumpleto dahil ang pamilyang watak watak o mga kapamilyang wala sa bahay ay nagiging buo ulit,nagsasama sama sila sa bubong na maaari nating matawag na "bahay". Gaya na lamang ng pagkakaroon ng okasyon sa tuwing may gaganaping okasyon halimabawa nalang ay kaarawan, sa tuwing may gaganaping kaarawan lahat ng kapamilya ay naroon nagiging buo ito na minsan din ay dinadaluhan pa ng mga kalapitang loob na mga tao gaya ng kaibigan, kaklase, katrabaho at iba pa. Isa rin ang pagdiriwang ng pasko dahil sa paskp nabubuo din ang pamilya sa bahay at samasama nila itong ipinagdiriwang sa loob mismo ng isang bahay . Kaya ang bahay ay di lamang patungkol sa gusali ito din ay isang dahilan upang magkaroon ng maayos na buhay at pamilya.
Pagsusuring Pasuliranin
Ang Suliranin ng Isang Tapos na Haiskul
Bilang isang Estudyante sa haiskul, marami tayong mga plano sa buhay mga planong kakaharapin kapag tayo man ay sakaling magtapos sa haiskul. May mga estidyanteng nagplaplano nana pagkatapos nila sa haiskul ay mag-aaral pa ng kolehiyo mayroon din mga estudyanteng nagbabalak na hindi itutuloy ang pagaaral marahil na rin sa kakulangang pampinansyal o panustos na pera para sa kanilang pag-aaral ngunit ano mga ba ang suliranin ng isang estudyanteng tapos na sa haiskul? Unahin natin ang mga makakapag-aral sa kolehiyo na mga estudyante. Una ang suliranin nila ay ang pagpili ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo. Dito sa bandang ito pumapasok ang sa isipan ng mga mag-aaral ang tanong na "anong kurso ang dapat kong kunin?" At ang tanong na pag nagtapos ako sa kursong ito ano ang trabahong maaari kong pasukan? At kapag ang isang estudyante ay hondi nagustuhan ang kursong kinuha ang suliranin muli ay ang paglipat muli sa ibang kursoat minsan din ang isa pang suliranin ay hindi ang estudyante mismo ang pumili sa kanyang kurso kaya dito ang estudyante ay jindi pagbubutihin ang kanyang pagaaral o babaliwalain ito dahil hindi naman ito ang kanyang hilig at mawawalan siya ng pakialam sa grado niya at siya'y magiging "Happy Go Lucky" kumbaga.
Ang kasunod naman ay ang suliranin ng mga hindi makpag-aaral sa kolehiyo dito naman ang unang pumapasok sa isipan ng isang mag-aaral ay ang tanong na "saan ako kukuha ng perang panustos para sa aking pag-aaral?" Sa isang mag-aaral kailangan din ng salaping gagamitin upang siya ay makatuntong sa kolehiyo. Ito ang isang pangunahing suliranin kung bakita nmang isang mag-aaral ay hindi makapag-aral. Ang ilan sa kanila ay nagiging dakilang tambay, minsa din ang mga ganitong mag-aaral ay maagang nag-aasaw dahil sa kawalan ng balak na umangat sa buhayo mangyari ding mas inuuna ang kanilang mga puso. At dahil sa mga suliranin na iyan ang isang tapos na haiskul ay mahirap angagdedesisyon at ang ilan lamang sa mga ito ay ang suliranin ng isang magamaaral na kakaharin niya pagkatapos ng haiskul.
Panunuri sa akdang "Impeng Negro"Ni Rogelio Sicat
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeyG9tExt21AVZb3oNaQUtuGOIOa3vN-CVsUvTuitvsixMS-3AfTBN0l2oZhMGjX5DqHvIR3zti3eRIZDs6WM5CrrtMAyRuUYO55gKAgAb_gRMre7Y7HUD-04o5utBOGNqzBDq9I1IQuw/s1600/1cdd7a58-c2a2-4abe-8535-20f4a48d08fc.jpg
Ina ni Impeng
Mga tao sa paligid
C. Banghay
II. Simbolismo
Panunuri sa Akdang "Uhaw ang Tigang na Lupa" ni Liwayway Arceo
Uhaw Ang Tigang na Lupa
Ni Liwayway Arceo
A. Tagpuan:
Aklatan:
Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan.
Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan palang ng tagpuan.
B. Tauhan:
Anak:
Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Sa kanya din unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.
Kung papansinin ang pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang pamagat ngunit habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anak sa kanayang pamilya. Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama at ina.
Ama:
Isa siya sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento. Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan.
Ina:
Pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.
C. Banghay
1. Panimula
Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
2. Saglit na Kasiglahan
Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging ang pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din.
3. Suliraning inihahanap ng lunas
Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina at paano ang gagawin nito upang malaman ang totoong nasapit ng ama bakit ganoon na lamang ang kanyang mga magulang.
Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang kalungkutan ng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento.
4. Kasukdulan
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.
D. Karagdagan
1. Paksang diwa o Tema
Tinalakay sa kwento ang suliranin ng isang pamilya na dahil sa suliraning iyon ang anak ay nauuhaw sa pagmamahal ng kanayang mga magulang. Naghahanap ito ng tunay na masasabing pamilya.
Tinalakay din dito ang suliraning pampamilya na kadalasang nagaganap sa ating bayan o pamayanan.
2.Simbolismo
Liham- ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na pagiisip na mambabasa.
Pelus na Rosas- o ang pagibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan- sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaring malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito.
Ama,ina at ang anak- sumisimbolo sa pamilya
Pamagat "Uhaw ang tigang na Lupa"- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa suliranin ng pamilya.
3. Linggwahe
Guumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita na kinapalooban din ng mga matatayutay na pagpapahayag gaya ng linyang.
"Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."
Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin ng mambabasa.
Sunday, May 25, 2014
Dalawang Uri ng Tula at Halimbawa nito.
1. Ang Malayang tula ay isang uri ng tula na kung saan ito ay ginagamitan ng mga mabababaw na mga pananalita at mga di pormal napananalita na kadalasan lang nating naririnig. Ang uri din ng tulang ito ay walang sukat at tugma.
Halimbawa ng Malayang tula:
*Ang paksain ng tula ay patungkol sa di maipahayag na pag-ibig.
"Kimkim Na Pagibig"
Ni WGS
Maraming pagkakatao'y nalampas
Sulyap sa mukhang di mahagilap
Tanong ko, ikaw ba ay umiiwas?
O sadyang ako'y nangangarap.
Nabatid ko na sa una
Na ikaw ay sinisinta
Mapapansin mo kaya?
Ang bulong ng pusong may hinuha?
Hindi ka naman langit,
Ngunit sa tingin mo'y parang nananaginip.
Ano bang meron sa dibdib
Parang daga'y namimilipit.
Sa umaga'y hanap hanap na
Mukhang may ibang hiwaga,
Mga salita mula sa dibdib
Na bingi lang ang nakaririnig.
Kung di mo parin mabatid
Bathala na ang siyang magpaparinig,
Sa mga tainga mong siya lang ang makaririnig
Na takot itulak nitong bibig.
Ngunit bakit ako'y may takot
Na baka di mo masipot,
May iba na bang banggit?
Sa puso mong gustong masapit.
Hanggang kailan kaya ikikimkim?
Ang mga wikang laging nais maiparating,
Aking hiling sana'y ibayong tapang
Sa aking salitang nais bitawan.
Sa mga mata mo'y naliliwanagan
Ang pusong minsan nang nalamatan,
Hindi na tulad ng nakaraan
Mula nang luha'y aking mapunasan.
Di ka man laging matanaw,
Mga nakaw na sulyap ang nabibitaw
Ng mga matang ikaw lagi ang hanap
At mga ngiting sayo ay nasagap.
Sana na ngay iyong mapuna
At nang di na nagaalinlangan pa
Na baka maging isang bula
Dahil hindi kaya, ng pusong ikaw lang ang sinisinta.
Panoorin ang Movie ng tula:
I-click ang Video sa baba.
2. Ang Di-Malayang tula ay uri din ng tula na may sukat at tugma na ginagamitanng malalalim atmatatayutay na mga pananalita.
Halimbaw ng Di-Malayang tula:
*Ang paksin ng tula ay patungkol sa mga magigiting na guro.
"Sa'yong mga munting hakbang"
Ni WGS
Sa aking mga unang araw,
Umalalay sa paggalaw
Gabay ang unang nalaman,
Pagkatuto'y akin naman.
Para kang ina sa amin,
Ang bigay mo'y runong samin
Na saki'y pwedeng madala,
Dala maging sa pagtanda.
Ina'y nagturong bumasa
At sayo'y lalong nahasa,
Sa iyong mga munting hakbang
Marami ang natutunan.
Pagod mo'y aming nakikita
Sa iyong Hirap at tiyaga.
Bawi nami'y pagsisikap
Pagtatapos ang malasap.
Pagtuntuntong man sa mataas
Ngalan mo ang aming angkas
Di sa limut ang siyang punta
Kundi ay laging gunita.
Naging pundasyon sa mga pangarap
Na sa malapit ay malalasap
Hindi ka man bayani
Ngunit sakin ika'y nagsilbi.
Ako man ay makarating
Sa ibayong dagat marating,
Mga salaping may kislap
Sa nyebe, tagumpay'y akap.
Kaya salamat sayo'y hatid
Munting hakbang mo'y nabatid
Saki'y di ka lamang guro
Kundi isang matandang puno.
Panooring ang movie ng tula:
I-click ang video sa baba.