Monday, May 26, 2014

Mga Piling Linya sa Tula na Ginamitan ng Tayutay

1. Animang Pantig

•Kung ano ang buhay,
siyang kamatayan...
Ang hirap ko’y alam
ng iyong kariktan
tapatin mo lamang
yaring karaingan
At bigyan ng buhay,
ang pag-asang patay!
--Oksimoron
(www.tagaloglang.com)

•Siya ang berdugo
Na bahid ng dugo
Hawak ay gatilyo
Dugo’y kumukulo.
--Metapora
Berdugo ni Greg Bituin

•Palaman ko ay margarin
Kaya malinamnam ito
Para akong nasa bangin
Ng paglayang pangarap ko.
--Simile
Pandesal ni Greg Butuin

2. Waluhang Pantig

•Ang pag-ibig ko sa iyo
ay lansones na malasa
Ganyan din ang pagsinta mong
may lamukot na ligaya.
--Metapora
Parang Buto ng Lansones

•Ngunit ang suyuang iyan
kapag naging paglililo
Parang buto ng lansones
sa sinumpang paraiso!
--Simile
Parang Buto ng Lansones
•Bawat hukay, bawat libing
Ay isa lang pintong bukas
Na patungo sa lupaing
Maligaya't walang wakas.
--Sinekdoke
Bawat Hukay
(http://panitikan.hostingsiteforfree.com/criticism/mulasatradisyontungosakongregasyon.htm)

3. Labindalawahing Pantig

•May isang lupain sa dakong silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
kaya napatanyag ay sa kagandahan
at napabalita sa magandang asal.
--Hyperbole
(Panitikang Pambata)

•Habang nagduruyan ang buwang ninikat
sa lundo ng kanyang sinutlang liwanag,
isakay mo ako gabing mapamihag
sa mga pakpak mong humahalimuyak.
--Apostrope
(Panitikang Pambata)

•Ang puso'y lumukso sa pagkakakita
nitong bahagharing pagkaganda-ganda.
--Personipikasyon
(Panitikang Pambata)

4. Labing-animang Pantig

•Paalam na, Bayang giliw, lupang kasuyo ng araw,
Sa dagat Silanga’y Mutya, aming Langit na pumanaw,
Malugod kong sa‘yo’y hain ang amis ko’t lantang buhay,
At lalo mang maluningning, mabulaklak at malabay,
Ihahandog ko ring lubos, lumigaya ka man lamang.
--Personipikasyon
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal



•Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng buwang-sinag,
Bayaan mong ang liwayway ay dagliang magliwanag,
Bayaan mo ring humibik at umangil ang habagat;
At sa dipa kung dumapo’y isang libong mapanatag
Bayaan mong huni niyang pamayapa ang igawad
--Onomatpeya
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal

•Ngunit hindi hindi nagpagapi ang magigiting na bayani,
Bayaning gulok at panulat ang nagsilbing gamit,
Gamit na ating iningata't ipinagmalaki
Ipinagmalaki hanggang sa sila'y masawi!
--Onomatopeya
Bayang Pangako

5. Labin-waluhing Pantig

•di pantay ang hustisya kaya nga kaydami ng sumusulpot
na mga katanungang sadyang naghahanap ng mga sagot
di ang mayayaman lang ang dapat makadama ng hustisya
kundi dapat lahat, may hustisya dapat lalo na ang masa.
--Paralepsis
SA HUSTISYA'Y MAY TUNGGALIAN DIN NG URI
ni Gregorio V. Bituin Jr.

•Ngayon hawak natin ang sariling laya at sariling palad
tungkulin ng lahat ay magtulong-tulong sa isang hinagap
ipakita natin sa buong daigdig na tayo ay ganap
na lahin dakila-- may pagkakaisa at di tulak tulak.
--Pag-aagapay
Ang bayan ko'y ito ni Jose Villa Panganiban.

•Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.
--Simile/Apostrope
Kay Ama

2 comments: