Sunday, May 25, 2014

Dalawang Uri ng Tula at Halimbawa nito.

May dalawang uri ang tula ito ay ang Malaya at Di-malayang tula.

1. Ang Malayang tula ay isang uri ng tula na kung saan ito ay ginagamitan ng mga mabababaw na mga pananalita at mga di pormal napananalita na kadalasan lang nating naririnig. Ang uri din ng tulang ito ay walang sukat at tugma.

Halimbawa ng Malayang tula:
*Ang paksain ng tula ay patungkol sa di maipahayag na pag-ibig.

"Kimkim Na Pagibig"
Ni WGS

Maraming pagkakatao'y nalampas
Sulyap sa mukhang di mahagilap
Tanong ko, ikaw ba ay umiiwas?
O sadyang ako'y nangangarap.

Nabatid ko na sa una
Na ikaw ay sinisinta
Mapapansin mo kaya?
Ang bulong ng pusong may hinuha?

Hindi ka naman langit,
Ngunit sa tingin mo'y parang nananaginip.
Ano bang meron sa dibdib
Parang daga'y namimilipit.

Sa umaga'y hanap hanap na
Mukhang may ibang hiwaga,
Mga salita mula sa dibdib
Na bingi lang ang nakaririnig.

Kung di mo parin mabatid
Bathala na ang siyang magpaparinig,
Sa mga tainga mong siya lang ang makaririnig
Na takot itulak nitong bibig.

Ngunit bakit ako'y may takot
Na baka di mo masipot,
May iba na bang banggit?
Sa puso mong gustong masapit.

Hanggang kailan kaya ikikimkim?
Ang mga wikang laging nais maiparating,
Aking hiling sana'y ibayong tapang
Sa aking salitang nais bitawan.

Sa mga mata mo'y naliliwanagan
Ang pusong minsan nang nalamatan,
Hindi na tulad ng nakaraan
Mula nang luha'y aking mapunasan.

Di ka man laging matanaw,
Mga nakaw na sulyap ang nabibitaw
Ng mga matang ikaw lagi ang hanap
At mga ngiting sayo ay nasagap.

Sana na ngay iyong mapuna
At nang di na nagaalinlangan pa
Na baka maging isang bula
Dahil hindi kaya, ng pusong ikaw lang ang sinisinta.

Panoorin ang Movie ng tula:
I-click ang Video sa baba.



2. Ang Di-Malayang tula ay uri din ng tula na may sukat at tugma na ginagamitanng malalalim atmatatayutay na mga pananalita.

Halimbaw ng Di-Malayang tula:
*Ang paksin ng tula ay patungkol sa  mga magigiting na guro.

"Sa'yong mga munting hakbang"
Ni WGS

Sa aking mga unang araw,
Umalalay sa paggalaw
Gabay ang unang nalaman,
Pagkatuto'y akin naman.

Para kang ina sa amin,
Ang bigay mo'y runong samin
Na saki'y pwedeng madala,
Dala maging sa pagtanda.

Ina'y nagturong bumasa
At sayo'y lalong nahasa,
Sa iyong mga munting hakbang
Marami ang natutunan.

Pagod mo'y aming nakikita
Sa iyong Hirap at tiyaga.
Bawi nami'y pagsisikap
Pagtatapos ang malasap.

Pagtuntuntong man sa mataas
Ngalan mo ang aming angkas
Di sa limut ang siyang punta
Kundi ay laging gunita.

Naging pundasyon sa mga pangarap
Na sa malapit ay malalasap
Hindi ka man bayani
Ngunit sakin ika'y nagsilbi.

Ako man ay makarating
Sa ibayong dagat marating,
Mga salaping may kislap
Sa nyebe, tagumpay'y akap.

Kaya salamat sayo'y hatid
Munting hakbang mo'y nabatid
Saki'y di ka lamang guro
Kundi isang matandang puno.


Panooring ang movie ng tula:
I-click ang video sa baba.




4 comments: