Makata ka ba?

Maligayang Pagdating Makatang Filipino! Mayroon ka bang mga katha, likha, o akda na nasulat sa Wikang Filipino? Gusto mo bang mailakip ito sa ating blog? Maaari mo itong ipadala sa blogger sa pamamagitan ng e-mail o kontakin lang ang blogger.
Sama-sama nating palaguin at payabungin ang Wikang Filipino!

Monday, May 26, 2014

Uri ng Pagsasalaysay/Narrative: Pagsasalaysay

Yung…” 
          Sa ating buhay marami tayong makikilala, mga taong  makikita at makikilala pa sa ating araw araw na pamumuhay. May mga taong matagal na nating nakilala, may mga tao ring ngayon pa lamang makikilala. Yung mga magiging kaibigan at magiging kaaway. Ngunit sa mga nakikilala natin hindi natin namamalayan  na magiging parte ng ating buhay yung taong nakilala na minsan pa'y umabot na sa puntong kayo’y maging kapit tuko dahil hindi mapaghiwalay ng kahit na sino dahil minsan maaari nating ihalintulad ang pagkilala sa isang hindi natin kilala sa pagsakay sa isang pampasaherong bus, hindi natin alam kung bakit dun tayo umupo sa upuan na iyon at hindi rin natin iyon binalak. Gaya ng pagkilala hindi natin sinadyang kilalanin ang isang tao dahil kusang dumating ang panahon na kayo’y nagkakilala, hanggang sa ang pagkikilalang iyon ay humantong sa puntong mas mahalaga pa siya  kaysa sa iyong sarili. Yung papahalagahan ka niya dahil alam niyang ika’y isang biyayang galing sa maykapal ngunit, hanggang sa mangyaring siya na lahat yung nasa bukambibig mo, yung mas uunahin niyang hanapin ka kesa sa mas pinaka-importanteng bagay, yung uunahin pang makasama ka kaysa sa kaibigan, pamilya at kung sinuman dahil mas gusto niya na makasama kaysa kahit sino man, yung gusto ka niyang makausap sa lahat ng oras dahil para sakanya mas gusto niya na mas ligtas ka, yung tatanungin ka niya kung kumain ka na at kapag sinabi mong hindi ay papagalitan ka niya, yung pagbabawalan ka niya sa mga mali mong gawain pero ginagawa mo parin, yung babatiin ka ng napaka aga sa araw ng iyong kapanganakan, yung makakasabay mo sa pagkain ng pagkaing paulit-ulit niyong kinakain at hindi parin kayo nagsasawang kainin ito, yung makakasabay mo sa tuwing may pupuntahan ka hanggang makasabay mo parin hanggang sa pag-uwi niyo na, yung magbibigay sayo ng gusto mong bagay, pagkain at kahit na anupaman, yung bibilhan ka ng gusto mo kahit wala na siyang pera, yung gagawin niya ang mga gawain mo dahil intindi niya ang kalagayan mo o ang iyong katamaran ngunit ang taong iyon ay hindi mo nabigyan ng halaga, hindi mo pinansin ang mga ginagawa niya para sayo, hanggang sa magsawa na siya, maiisip niyang masyado siyang nagpakadesperado dahil sayo, na halos ginawa na niya lahat ng kabaduyan sa mundo kayat maiisip niyang siya muna'y magpakalayo-layo hanggang sa darating yung araw na hahanapin mo lahat... lahat ng ginagawa niya ay biglang mawawala at sasabihing mong siya’y nagbago na sanay ginawa mo din ang mga bagay na ginagawa niya at magsisisi ka dahil huli na ang lahat. Mga luha mo ay di mapipigilang pumatak at magiisip ka ng kung ano-ano at masasabi mo nalng na “sana hindi ko nalang iyon ginawa” at dahil nga roon ay mawawala lang na parang bula dahil na rin sa iyong kapabayaan. 
-wgs

1 comment: